Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon | Bandera

Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon

Ervin Santiago |January 01,2023
facebook
share this

Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon

Ervin Santiago - January 01, 2023 - 08:30 AM

Joaquin Domagoso wala pang planong pakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon

Joaquin Domagoso at Raffa Castro

KUNG ang award-winning Kapuso actor na si Joaquin Domagoso ang tatanungin, hindi pa raw siya handang magpakasal.

Kahit daw nagkaanak siya sa murang edad, naniniwala siya na hindi ito sapat na rason para pakasalan niya agad-agad ang partner niyang si Raffa Castro.

Nagsasama na sa isang bubong sina Joaquin at Raffa at desidido silang alagaan at palakihin ang anak nila nang magkasama para habang lumalaki ang bata ay buong-buo ang kanilang pamilya.

Sa presscon ng pelikula niyang “That Boy In The Dark” nagsalita si Joaquin tungkol sa pagiging batang ama. Aniya, challenging pero masaya at masarap ang maging tatay.

Pero nang tanungin nga siya ng entertainment columnist na si Gorgy Rula kung may balak na silang magpakasal ni Raffa, umiling agad si Joaquin.

“Wala pa akong pera! Kailangan ko pa ng pera. Ipon pa,” ang chika ng aktor na nakatatlong best actor agad mula sa iba’t ibang international film festival para sa “That Boy In The Dark.”

“Hindi siya mahirap. Yung mahirap is yung pagiging parent. Yung job, you won’t even think about that. When you get there, you drop everything.

“Mahirap siya kasi iba na yung feelings ko. Pero life is going great kasi masaya. Not everybody gets it. Only when you’re there.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Raffa Castro (@elluhh.bear)


“Responsibility, yes. Marami na akong winu-worry. Wino-worry about future, nag-insurance na ako,” pahayag pa ni Joaquin sa nasabing interview.

Nauna rito, naibalita nga namin ang pagbabahagi ng anak ni Isko Moreno tungkol sa pagiging batang ama, “Opo. Me and my family were both happy na my son is eight months old.”

Patuloy niya, “And mahirap po talagang umalis ng bahay. Mahirap ho kasi lagi ko siyang miss, tulad ngayon, at maraming feelings na hindi mo mararamdaman talaga.

“Hindi ko siya maisip kasi you were not a father before, but now that you are, parang iba na yung mundo kaya po mahirap siya.

“There’s so much new feelings all the time na nakakaiyak at nakakatuwa,” dagdag pa ng award-winning Kapuso star.

“Yung mga nakita ko before, hindi ko naintindihan na sinasabi ng tatay ko or yung mama ko. Ngayon, parang nage-gets ko na kaya ito ginawa kasi gusto nila na ganito ang mangyari sa akin,” aniya pa.

Anyway, showing na sa January 8, 2023 sa mga sinehan ang “That Boy In The Dark” sa direksyon ni Adolf Alix, Jr. Kasama rin dito sina Lotlot de Leon, Glydel Mercado at ang anak nila ni Tonton Gutierrez na si Aneeza Gutierrez, Ramon Christopher, Nanding Josef at Kiko Ipapo.

Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos

Diego Castro hindi pipilitin si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak kahit may baby na; umaming ‘di pa sila nagkikita ni Yorme

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending