Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos | Bandera

Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos

Therese Arceo |August 23,2022
facebook
share this

Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos

Therese Arceo - August 23, 2022 - 11:52 PM

Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos

TULUYAN nang inamin ni Raffa Castro ang kanyang naging pagbubuntis sa panganay niyang anak.

Nitong Lunes, August 22, nag-post siya sa kanyang Instagram ng mga larawan na kuha noong nag-maternity shoot siya.

“Cant believe this was 4 months ago and that the love of my life was inside my stomach,” saad ni Raffa sa caption.

Marami naman ang nagpaabot ng congratulatory messages sa kanya.

Si Raffa ay kapatid ng aktres na si Claire Castro at anak ng broadcaster na si Diego Castro.

Sa katunayan, nag-comment ang aktres sa post niya at binalaan ito sa mga paparating na bashers.

Bagamat walang nabanggit na pangalan si Raffa kung sino ang ama ng kanyang anak ay aware naman ang madlang pipol na si Joaquin Domagoso ito.

Matatandaang noong Hunyo nang pumutok ang balitang mayroon na ngang anak si Joaquin ngunit nanatili itong tahimik hinggil sa isyu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Raffa Castro (@elluhh.bear)

Ngunit base sa mga source, Abril pa nang manganak si Raffa sa isang ospital sa Quezon City at pinangalanan nila itong Scott Angelo Domagoso.

Natigil lang ang usap-usapan patungkol sa isyu nang mismong aminin ni Isko na talagang lolo na siya.

Aniya, isang malaking blessing daw ang anak nina Raffa at Joaquin sa kanya.

“Siyempre kikiligin ka lalo na kapag kamukha mo. I’m really enjoying it. I’m happy and grateful to God,” saad ni Isko.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maging ang ama ni Raffa ay masaya rin sa bagong anghel na dumating sa kanilang buhay at sinabing kahit kailan ay mananatili ang suporta niya para sa anak, kay Joaquin, at lalong lalo na sa kanyang apo.

Related Chika:
Diego Castro hindi pipilitin si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak kahit may baby na; umaming ‘di pa sila nagkikita ni Yorme

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending