Diego Castro hindi pipilitin si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak kahit may baby na; umaming 'di pa sila nagkikita ni Yorme | Bandera

Diego Castro hindi pipilitin si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak kahit may baby na; umaming ‘di pa sila nagkikita ni Yorme

Reggee Bonoan |August 21,2022
facebook
share this

Diego Castro hindi pipilitin si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak kahit may baby na; umaming ‘di pa sila nagkikita ni Yorme

Reggee Bonoan - August 21, 2022 - 06:49 PM

Isko Moreno, Raffa Castro, Joaquin Domagoso at Diego Castro

ILANG buwan na ang nakararaan mula nang nanganak si Raffa Castro, ang bunsong anak ng dating aktor na ngayon ay news anchor na sa One PH ng TV5 na si Diego Castro.

Pero aminado si Diego na hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita ni ex-Mayor Isko Moreno, ang ama ng aktor na si Joaquin Domagoso na siyang tatay ng baby ni Raffa.

Ayon sa soon to be father-in-law of Joaquin ay understandable dahil kasagsagan ng kampanya ni Yorme Isko sa pagka-Presidente ng Pilipinas nang manganak ang anak niya at pagkatapos naman ng kampanya ay nagbakasyon sa ibang bansa ang buong pamilya Domagoso for much needed rest.

Bukod tanging si Joaquin ang kumakausap sa magulang ni Raffa at pinaninindigan nito ang nangyari sa kanila.

Base sa panayam ni Diego sa YouTube channel ni Ogie Diaz, “We were supposed to meet long time ago kaso nag-campaign siya tapos ako bago sa work ko sa news, so, ang schedule namin magkasalungat pero with Joaquin, siya ‘yung nakakausap ko.

“Tapos after ng election nag-vacation na sila Yorme, so, siguro sometime soon magkikita-kita for lunch…we played by ear,” aniya.

Ibig sabihin ay magpapakiramdam muna sila kapag settled na ang schedule nina Diego at Yorme Isko.

Inamin din ni Diego na busy nga siguro ang tatay ni Joaquin kaya hindi pa ito nakikipag-ugnayan sa kanila.

“Ayoko silang i-pressure kasi ang importante ‘yung family ng anak ko at family ni JD (tawag kay Joaquin) masaya. Kasi siyempre may mga problems na kailangang ayusin mga bata pa sila.

View this post on Instagram

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)


“Ang importante nandoon ako for them, nandoon si Isko for them kahit hindi pa po kami nagkik
ita okay na ‘yun,” paliwanag ng dating miyembro ng youth oriented show na “TGIS” sa GMA 7.

Natanong ni Ogie kung napag-uusapan na ang kasal nina Joaquin at Claire, “They asked me, kung anong opinyon sabi ko kay JD na it’s because you got my daughter pregnant you’re not force to get married.
“Sabi ko, ‘when you’re ready!’ Kasi alam ko ‘yan nangyari sa akin ‘yan, eh. So, I don’t want them to commit the same mistakes,” pahayag ni Diego.

Nagbigay naman ng opinyon ang talent manager at content creator na si Ogie bilang ama rin ng limang nanggagandahang babae tungkol sa hindi pakikipag-ugnayan ni Yorme kay Diego.

“Ito’y opinyon ko lang, ha! ‘Wag naman sanang magalit sila kung sinuman ang tatamaan nito, no!

“Ako bilang tatay tapos anak ko ‘yung girl tapos hindi ko nakikita ‘yung ama ng lalaking nakabuntis sa anak ko, ‘ay sandali! (biglang nagpatawa na joke lang daw sabi ni Ogie).’

“Mahiwaga nga, di ba Loi? Pero ako bilang ama ng babae dapat lang marapat na makita ko ‘yung magulang hindi lang ‘yung anak. Yes nakita ko ‘yung apo ko, pero sandali, asan na ‘yung tatay mo!’

View this post on Instagram

A post shared by Raffa Castro (@elluhh.bear)


“Hindi naman natin puwedeng husgahan si Isko Moreno kung hindi pa siya nakikipagkita face to face kay Diego na parang feeling ko marapat lang bilang lalaki ‘yung kanyang anak (Joaquin) at marapat lang bilang maginoo.

“Samahan mo ‘yung anak mo, ‘Joaquin sasamahan kita kay Diego. Tayo makipag-usap na dalawa. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila nagkikita. Iba pa rin (kasi) kapag nakasuporta ‘yung tatay ng lalaki. Okay ‘yun lang doon lang ako nahihiwagahan!” sabi ni Ogie.

Bukas ang BANDERA sa panig naman ni Yorme Isko o ng kanyang kampo hinggil dito.

https://bandera.inquirer.net/316795/isko-moreno-isa-nang-ganap-na-lolo-may-apo-na-kay-joaquin-domagoso
https://bandera.inquirer.net/285443/joaquin-domagoso-bukas-ang-isip-at-puso-sa-pagpasok-sa-politika-tulad-ni-isko-pero

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286359/alex-hiyang-hiya-sa-nakakadiring-prank-kay-isko-sorry-po-yorme

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending