Mag-amang Isko Moreno at Joaquin Domagoso pasok na rin sa 'Black Rider', siguradong matutuwa raw si Kuya Germs | Bandera

Mag-amang Isko Moreno at Joaquin Domagoso pasok na rin sa ‘Black Rider’, siguradong matutuwa raw si Kuya Germs

Ervin Santiago |September 14,2023
facebook
share this

Mag-amang Isko Moreno at Joaquin Domagoso pasok na rin sa ‘Black Rider’, siguradong matutuwa raw si Kuya Germs

Ervin Santiago - September 14, 2023 - 06:28 AM

Mag-amang Isko Moreno at Joaquin Domagoso pasok na rin sa 'Black Rider', siguradong matutuwa raw si Kuya Germs

Joaquin Domagoso at Isko Moreno

NANINIWALA ang dating mayor ng Maynila na si Isko Moreno na matutuwa ang tatay-tatayan niya sa showbiz na si Kuya Germs dahil sa pagbabalik niya sa larangan ng pag-arte.

Pagkatapos ng kontrobersyal na pagganap niya bilang Ninoy Aquino sa pelikulang “Martyr Murderer” ni Direk Darryl Yap, ay tuloy-tuloy na ang pagsabak ni Yorme sa mundo ng aktingan.

Kumpirmadong makakasama na si Isko pati na ang kanyang anak na si Joaquin Domagoso sa upcoming action-drama series ng GMA 7 na “Black Rider” kung saan gaganap din silang mag-ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Isko Moreno (@iskomorenodomagoso)


“Nakaka-excite kasi ‘yung bumalik ka sa pag-arte. Alam naman ng lahat na ito talaga ‘yung naging tulay ko para makaangat sa buhay and that is through GMA 7 and That’s Entertainment,” ang pahayag ni Yorme sa panayam ng “24 Oras.”

Sey pa ng “Eat Bulaga” host, “I think Kuya Germs will be happy now again, me doing a lot of things in GMA.”

Kuwento ng dating alkalde, hindi naman nalalayo sa tunay na buhay ang magiging role niya sa “Black Rider” dahil  tumutulong sa mga naaapi at mahihirap ang magiging karakter niya.

Baka Bet Mo: Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest

“In character e, we’ve been doing that for more than two decades. And as I have said before, it’s good to be home with GMA,” sey ni Yorme na mas magiging espesyal pa raw ang pagbabalik niya sa TV dahil magkasama sila ni Joaquin.

Samantala, natanong naman ang anak ni Isko kung ninenerbyos ba siya na makakatrabaho niya sa isang serye ang kanyang ama.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @eatbulagana


“True. But then of course, it’s my dad who’s watching me e, so naiisip ko rin ‘yun ‘Oh my God, nandito pala si Papa!’” tugon ni Joaquin.

Game na game rin daw ang magtatay sakaling bigyan sila ng action scenes sa “Black Rider” na pagbibidahan nina Ruru Madrid at Yassi Pressman.

Sey ni Joaquin, “Mga barilan, mga rolling on the floor, anything. Kapag may gagawin si papa, ako na magsasalo sa mga eksena niya.”

Hirit na biro pa niya kay Yorme, “I got you, I got you.”

Feeling thankful and blessed naman si Ruru na makatrabaho sina Isko at Joaquin, “Sobrang nakakataba po ng puso na ‘yung mga dating tinitingala ko na mga artista e ngayon po, nakakatrabaho ko na sila.”

Ken, Sanya may bagong alay kay Kuya Germs: Feeling namin patuloy pa rin niya kaming mina-manage

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy maluha-luha nang bumisita sa dating opisina ni Kuya Germs sa GMA: Parang hindi pa rin nawawala ‘yung spirit niya…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending