Ken, Sanya may bagong alay kay Kuya Germs: Feeling namin patuloy pa rin niya kaming mina-manage | Bandera

Ken, Sanya may bagong alay kay Kuya Germs: Feeling namin patuloy pa rin niya kaming mina-manage

Ervin Santiago - September 08, 2021 - 08:59 AM

German Moreno, Sanya Lopez at Ken Chan

INIALAY ng Kapuso stars na sina Sanya Lopez at Ken Chan kay German “Kuya Germs” Moreno ang unang pagtatambal nila sa latest drama anthology ng GMA, ang “Regal Studio Presents.”

Sina Sanya at Ken ang bibida sa pilot episode ng bagong collaboration ng Kapuso network at Regal Entertainment nina Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde na may titulong “That Thin Line Between.”

Hanggang ngayon ay abot-langit pa rin ang pasasalamat nina Sanya at Ken kay Kuya Germs na naging mentor at tatay-tatayan nila noong nagsisimula pa lamang sila sa showbiz.

Unang nagkaroon ng exposure sa TV ang dalawa sa late night show ni Kuya Germs na “Walang Tulugan” kung saan nahasa nga ang kanilang talento sa hosting, pati na sa pagsasayaw at pagkanta.

Sa virtual mediacon kahapon ng “Regal Studio Presents: That Thin Line Between,” sinabi nina Sanya at at Ken na para kay Kuya Germs ang una nilang project together.

“I’m sure matutuwa rin si Tatay, si Kuya Germs, kung ano man po ‘yung nangyayari sa amin ngayon. Hanggang ngayon po, lahat ng nangyayari sa amin, lagi kaming nagte-thank you kay Tatay. ‘Tay, dahil sa ‘yo ‘to. Isa ka rito, parte ka ng lahat ng trabaho namin,” ang pahayag ni Sanya.

Kuwento naman ni Ken, “May pagkakataon na kaming dalawa ni Sanya, nasa ‘Walang Tulugan’ kami. Nakaupo kami sa gilid ng stage habang may nagpe-perform na mga celebrities from GMA 7.

“Sabi namin ni Sanya, sana dumating ‘yung panahon na maging tulad tayo nila, magkaroon tayo ng mga teleserye natin sa GMA,” pahayag pa ng Kapusp actor-TV host.

“‘Yung mga humble beginnings na ‘yun, ‘yun ‘yung pinanghahawakan namin. ‘Yun ‘yung naging inspiration namin para galingan namin sa mga ginagawa namin.

“Nakatutuwa lang na we’re so blessed and thankful na ngayon ay nagagawa namin ‘yung pinagusapan lang naming dalawa noon,” dagdag pang pahayag ni Ken.

Naniniwala rin ang aktor na kahit wala na si Kuya Germs ay patuloy pa rin sila nitong ginagabayan at tinutulungan para makamit ang lahat ng mga pangarap nila sa buhay.

Sa romantic comedy special na  “That Thin Line Between”, gaganap sina Sanya at Ken bilang magkapitbahay na madalas mag-away. Mabubuwisit ang karakter ni Ken kay Sanya dahil sa ingay nito kapag nagla-live online selling.

Ano nga kaya ang kahihinatnan ng kanilang halos araw-araw na pag-aaway? Patotohanan kaya ng kanilang kuwento ang matandang kasabihan na “the more you hate, the more you love?”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “That Thin Line Between” sa “Regal Studio Presents” sa Sept. 11, 8:30 p.m., sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending