Joaquin Domagoso 'Hakot King 2022', nanalo ng mga awards sa iba't ibang international filmfest | Bandera

Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest

Ervin Santiago |December 28,2022
facebook
share this

Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest

Ervin Santiago - December 28, 2022 - 03:06 PM

Joaquin Domagoso 'Hakot King 2022', nanalo ng mga awards sa iba't ibang international filmfest

Joaquin Domagoso

NANINIWALA kami na kung mabibigyan pa ng mas maraming magaganda at makabuluhang proyekto ang anak ni Isko Moreno na si Joaquin Domagoso ay siguradong magniningning pa ang kanyang bituin.

Isa si Joaquin o JD sa mga promising youngstars ngayon na talaga namang may ibubuga rin sa akting tulad ng kanyang ama na dati ring matinee idol.

Ngayong 2022, ay ilang beses nang pinatunayan ng Kapuso star ang kaniyang husay bilang isang artista matapos tumanggap ng mga acting awards mula sa ilang international film festivals.

Ito’y dahil sa napakahusay niyang pagganap bilang Knight sa thriller film na “That Boy in the Dark” na idinirek ni Adolfo Alix, Jr..

Last November 23, nagwagi si Joaquin bilang Best Actor sa 16th Toronto Film and Script Awards na ginanap sa Toronto, Canada.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)


Sinundan pa ito ng kanyang pagkapanalo bilang Best Actor din sa 2022 Five Continents International Film Festival (FCIFF), isang online festival sa Venezuela.

At recently lang ay kinilala rin ang husay ni Joaquin sa nasabing pelikula at nasungkit ang ikatlo niyang Best Actor award sa Boden International Film Festival na ginanap sa Sweden.

Dito naman sa Pilipinas, itinanghal din si Joaquin bilang Iconic Young Actor Ace of the Year sa The Global Iconic Aces Awards 2022 at Promising Young Actor of the Year sa 2022 Philippine Faces of Success.

Isko Moreno isa nang ganap na lolo, may apo na kay Joaquin Domagoso

Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isko Moreno proud lolo sa anak ni Joaquin Domagoso: Ang pogi ng apo ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending