Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero... | Bandera

Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero…

Ervin Santiago |June 02,2021
facebook
share this

Joaquin Domagoso bukas ang isip at puso sa pagpasok sa politika tulad ni Isko, pero…

Ervin Santiago - June 02, 2021 - 09:20 AM

HINDI isinasara ng anak ni Manila Mayor Isko Moreno na si Joaquin Domagoso ang kanyang isip at puso sa mundo ng public service.

Aminado ang Kapuso young actor na hindi na niya talaga maiiwasan ang maikumpara sa kanyang ama na mula sa showbiz ay napunta rin sa larangan ng politika.

Ngunit sabi ni JD (palayaw ng binata), masyado pang maaga para isipin niya ang pagpasok sa politics, mas nais daw muna niyang mag-focus ngayon sa kanyang pag-aartista.

“I don’t really think of that, but I’m not closing my doors. I don’t know, baka in the future po. Kasi yung politics that is something na iisipin mo when you’re in 30s na or even later in life.

“Well, my dad, he entered very early, but ako, my plan po talaga muna is showbiz muna po,” ang chika ni Joaquin nang muling humarap sa members ng entertainment media para sa first movie niyang “Caught In The Act” mula sa MPJ Entertainment Productions at Golden Brilliance. 

Sabi pa ni Joaquin, hindi niya intensyon na sundan ang yapak ng ama na nagsimula nga bilang artista bago pumasok sa politika.

“Hindi ko naman pina-follow yung footsteps niya. I just want to enter showbiz before pa kasi na-realize ko na medyo bibo talaga yung attitude ko and medyo makulit talaga ako.

“Gusto ko rin na nakakagalaw ako. Nakakagawa ako ng performance art and iba pong bagay. Doon ko talaga naisip na bakit hindi ko rin subukan, that’s why I entered showbiz,” katwiran pa ni JD.

Natanong din ang Kapuso star kung mahirap ba ang magkaroon ng sikat na tatay at mayor pa, “Siguro, there are times, lalo na kung gusto ko nang umuwi at may nagpapa-picture pa kay Papa. Yung mga ganu’n lang naman po. 

“Pero aside from that, okey lang, wala naman pong problema,” aniya pa.

Samantala, makakasama rin ni Joaquin sa pelikulang “Caught In The Act” na ididirek ni Perry Escano, ang 2nd big placer sa katatapos lang na “PBB Connect” ng ABS-CBN na si Andi Abaya. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I saw Andi kapag nagba-viral siya sa PBB, so first impression, solid, ang galing niya. Wala pa rin naman akong masabi now kasi I don’t really know her yet pero I know she’s a nice person at mabait siya,” ang sagot ni JD nang tanungin kung paano niya ilalarawan si Andi.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending