Raffa Castro tinakpan ang mukha ng anak sa larawan, bakit kaya? | Bandera

Raffa Castro tinakpan ang mukha ng anak sa larawan, bakit kaya?

Therese Arceo |May 02,2023
facebook
share this

Raffa Castro tinakpan ang mukha ng anak sa larawan, bakit kaya?

Therese Arceo - May 02, 2023 - 06:31 PM

Raffa Castro tinakpan ang mukha ng anak sa larawan, bakit kaya?
ISANG taon na ang panganay na anak nina Joaquin Domagoso at Raffa Castro na si Baby Scott.

Ang mga larawan na kuha mula sa masayang sailor-themed 1st birthday celebration ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram page.

“The love of my life has turned 1 [heart emoji] feeling so blessed,” saad ni Raffa sa kanyang caption.

Makikita sa kanyang post na tinakpan niya ng heart emoji ang mukha ng anak kahit na may mga naging bisita sa selebrasyon ang nauna nang mag-post kung saan makikita ang mukha ni Scott gaya na lang ni Diego Castro.

Si Diego ay ang ama ni Raffa at lolo ni Baby Scott.

“Happy birthday my Apo. We love you!!” saad ni Diego sa kanyang Instagram post kasama na rin ang larawan nilang tatlo nina Baby Scott at dating Manila mayor na si Isko Moreno.

Ngunit tila sa kabila ng masasayang pagbati ng iba at ang pa-face reveal ng mga tao sa kanyang anak, mas pinili ni Raffa na huwag ilantad sa publiko ang anak.

Ito rin kasi ang ipinupunto ng naging sagot niya sa netizen hinggil sa pagpo-post ng Kapuso actress na si Sofia Pablo ng larawan ng kanyang anak.

Baka Bet Mo: Raffa Castro ibinandera ang family picture kasama sina Joaquin, Baby Scott

Nag-comment kasi ang netizen sa kanyang post ng “Nauna na po si ninang Sofia Pablo magface reveal Kay baby Scott pero I know na aware naman po kayo.”

Sagot ni Raffa, “Um actually everyone posted Scott but as his mom I’ll respect his privacy pa rin nonetheless.”

Mula pa noong lumabas ang balitang ipinagbuntis at isinilang niya ang kanilang anak ni Joaquin ay never nitong isinapubliko ang itsura ng anak.

Bagamat may mga in-upload noon si Raffa na larawan nilang tatlo ay hindi naman masisilip ang mukha ng kanilang anak.

Understandable naman kung saan nga ba nanggagaling ang first-time mom dahil marahil nais lang niya ng simple at tahimik na buhay para sa anak at malayo sa ginagalawan nilang mundo ng showbiz.

Related Chika:
Diego Castro hindi pipilitin si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak kahit may baby na; umaming ‘di pa sila nagkikita ni Yorme

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending