Raffa Castro ibinandera ang family picture kasama sina Joaquin, Baby Scott
SA unang pagkakataon ay ibinahagi ni Raffa Castro ang family picture nila ng aktor na si Joaquin Domagoso kasama ang kanilang baby boy na si Scott.
Nitong February 14, Martes, ibinandera niya sa kanyang social media accounts ang mga larawan nila na kuha habang nagbabakasyon sila sa Hokkaido, Japan.
“To my two boys, Happy Valentine’s Day my loves,” saad ni Raffa sa caption.
Makikitang masaya ang tatlo at talagang nag-e-enjoy sa snow sa naturang bansa.
View this post on Instagram
Wala namang post si Joaquin ngunit makikita sa IG stories nito na sinusulit nila ang kanilang bakasyon.
Matatandaang natanong noon ang aktor ni Tito Boy patungkol sa kanilang relasyon ni Raffa.
Dito ay nabanggit nga ni Joaquin na consensual o pareho nilang napagdesisyunan na huwag munang magpakasal kahit na mayroon na silang isang anak.
“Because we’re smart, we’re new generation po, and nakakaisip na po kami na parang hindi lang po dahil may anak na po kayo, magpakasal na po kayo,” saad ng aktor.
Aniya, hindi naman daw sa hindi siya “in love” kay Raffa pero hindi naman daw porke may anak ay dapat agad magpakasal.
“You have to really fall in love with each other. You really have to get that marriage there kasi dun talaga mapu-fruit yung anak mo. And you’re not supposed to force it din, e,” sey ni Joaquin.
Dagdag pa niya, “I don’t wanna do it just because may anak na kami kasi kawawa naman si Raffa nun, you know. Kawawa naman sa kanya if all… the reason why na pinakasalan ko siya is dahil may anak lang kami.”
Related Chika:
Raffa Castro umamin na sa pagbubuntis, ipinasilip ang maternity photos
Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest
Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.