Joaquin natagpuan ang tunay na misyon sa pagiging ama

Joaquin natagpuan ang tunay na misyon sa pagiging ama: Nabuo ako

Ervin Santiago - May 30, 2024 - 07:16 AM

Joaquin natagpuan ang tunay na misyon sa pagiging ama: Nabuo ako

Joaquin Domagoso at Scott Angelo

MAS naging matapang at palaban ngayon sa buhay ang Kapuso actor na si Joaquin Domagoso dahil na rin sa kanyang anak na si Scott Angelo.

Nang dahil daw sa anak nila ng kanyang partner na si Raffa Castro ay napakarami niyang natutunan at mga realizations na hindi niya pinaniniwalaan noong wala pa si Scott.

Baka Bet Mo: Isko tinanggap agad ang pagiging batang ama ni Joaquin, tuwang-tuwa nang maging lolo: ‘Every life is a blessing’

Sabi ng anak ni Isko Moreno, simula nang siya’y maging tatay ang feeling niya ay nahanap na niya ang tunay na purpose at misyon sa buhay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)


Ibinahagi ni Joaquin sa panayam ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Martes, kung anu-ano ang mga natuklasan niya sa sarili ngayong  tatay na siya.

“That I can work harder than I think I can’t. There are things na before I feel like, ‘Hindi, kaya ko ‘yang pabayaan,’ ‘Huwag na. I don’t need to do this, I don’t need to do that.’

“But now that I am older and I am a father, I have to do things for myself because I am a role model na rin eh. Kumbaga if I don’t do these things, my son, hindi niya ako susundan,” pahayag ni Joaquin.

Feel na feel din ng aktor kapag umuuwi siya sa bahay at alam niyang naghihintay na sa kanya ang anak.

Baka Bet Mo: Raffa Castro tinakpan ang mukha ng anak sa larawan, bakit kaya?

“And there are other things na halimbawa, work. Working a 9 to 5 job, realizing how other people would go through it, ‘yung tipong you wake up for your son, you do all these things.

“Tapos at the end of the day, uuwi ka, hinihintay ka pa rin, all the joys. Yung purpose ko sa buhay, nabuo,” ang pagbabahagi pa ni Joaquin.

Tungkol sa kanyang lovelife, hindi naman daw ito nakakasagabal sa kanyang trabaho bilang artista, “Sa aking lovelife ngayon po, I don’t want to say anything too much but right now, I’m in a very happy place.”

Walang binanggit si Joaquin kung si Raffa ba ang tinutukoy niya at kung nagsasama na ba sila sa isang bahay bilang mga magulang ni Scott. Hindi kasi malinaw kung sila pa rin o tuluyan nang naghiwalay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Joaquin Domagoso (@jdomagoso)


Samantala, excited na rin si Joaquin dahil magsisimula nang pumasok sa school si Scott Angelo, “I’m happy where my son is, he started school officially. So congrats sa little Scott. And of course, everyday, new memories are being made.”

At sa question kung may pinagsisihan ba siya sa pagiging batang ama, “I stand by the decisions I made. And my career won’t stop itself because of my decisions. My will is as strong as my love for my son.”

Matatandaang sa isa ring episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” last year ay nabanggit ni Joaquin na pinaplano pa nila ni Raffa ang kanilang kasal.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Pinaghahandaan ito. You can’t just decide like, ‘I’ll do this,’ tapos magpapakasal na kami bukas. Gusto ko ‘yung ipaplano pa namin. I don’t wanna do it just because may anak na kami kasi kawawa si Raffa,” sey ni Joaquin.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending