Joaquin Domagoso proud na ibinandera ang pagmamahal kay Raffa Castro, first time mag-post ng sweet photo sa socmed | Bandera

Joaquin Domagoso proud na ibinandera ang pagmamahal kay Raffa Castro, first time mag-post ng sweet photo sa socmed

Ervin Santiago |April 12,2023
facebook
share this

Joaquin Domagoso proud na ibinandera ang pagmamahal kay Raffa Castro, first time mag-post ng sweet photo sa socmed

Ervin Santiago - April 12, 2023 - 01:38 PM

Joaquin Domagoso proud na ibinandera ang pagmamahal kay Raffa Castro, first time mag-post ng sweet photo sa socmed

FOR the first time, ibinandera ng Kapuso young actor na si Joaquin Domagoso sa social media ang sweet photo nila ng kanyang partner na si Raffa Castro.

Kung hindi kami nagkakamali, ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ang celebrity dad ng photo nila ng nanay ng kanyang anak na si Scott sa Instagram mula nang maging parents na sila.

Ibinahagi ng 21-anyos na aktor sa IG ang naturang litrato sa mismong 22nd birthday ni Raffa nitong nagdaang April 10. Ang maikling caption na inilagay niya rito ay, “Only a fool for you (heart emoji).”

Nag-comment naman agad si Raffa sa post ng mensahe ng kanyang boyfriend, “I love you (heart emoji).”

In fairness, maraming kinilig sa IG post ni Joaquin dahil feeling nila pormal na niyang ipinakilala sa buong universe ang kanyang girlfriend kahit pa matagal nang alam ng publiko ang tungkol sa kanilang relasyon.

Sa kanilang magdyowa, si Raffa ang  madalas mag-post ng mga litrato nila sa social media. Ito’y mula pa noong aminin at ikuwento ang tungkol sa love story nila noong September, 2022.

Last February 14, naman, mismong Araw ng Mga Puso, ibinandera ni Raffa ang family photos nila ni Joaquin, kasama ang cute na cute na anak nilang si Scott Domagoso. Kuha ang mga iyon habang nagbabakasyon sila sa Japan.

Baka Bet Mo: Joaquin Domagoso ‘Hakot King 2022’, nanalo ng mga awards sa iba’t ibang international filmfest

Matatandaang sinabi ni Joaquin sa “Fast Talk With Boy Abunda” noong February 8, na napagdesisyunan nila ni Raffa na hindi muna magpakasal kahit pa may anak na sila. Mas gusto raw muna nilang i-priority ang kanilang baby.

“It’s not that we’re deciding or not deciding, that’s the whole beauty about it, e. The moment that you decide and not decide something, mawawala yung question when I do ask or if I do ask.

“Because we’re smart, we’re new generation po, and nakakaisip na po kami na parang hindi lang po dahil may anak na po kayo, magpakasal na po kayo.

“You have to really fall in love with each other. You really have to get that marriage there kasi dun talaga mapu-fruit yung anak mo. And you’re not supposed to force it din, e.

“Pero sa amin, it’s not that pinupuntahan na namin yung marriage. Kasi sa amin, papunta na kami dun, kasi yun na po ang buhay ko, e. Ako, I want a family. I want a beautiful family,” paliwanag ng anak ni dating Manila Mayor Isko Moreno.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Diego Castro hindi pipilitin si Joaquin Domagoso na pakasalan ang anak kahit may baby na; umaming ‘di pa sila nagkikita ni Yorme

Joaquin Domagoso hindi pa pakakasalan si Raffa Castro: Wala pa akong pera! Kailangan pang mag-ipon

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending