LIST: Mga #WalangPasok sa taong 2024 dahil sa ‘regular holidays’, ‘non-working holidays’
BAGO matapos ang taong ito, inilabas na ng Malacañang ang mga listahan ng regular at non-working holidays para sa taong 2024.
Alinsunod sa Proclamation No. 368, idineklara ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga sumusunod na araw na walang pasok dahil sa regular holidays:
- January 1 – New Year’s Day
- March 28 – Maundy Thursday
- March 29 – Good Friday
- April 9 – Araw ng Kagitingan
- May 1 – Labor Day
- June 12 – Independence Day
- August 26 – National Heroes Day (huling Lunes ng Agosto)
- November 30 – Bonifacio Day
- December 25 – Christmas Day
- December 30 – Rizal Day
Narito naman ang listahan ng mga special non-working days para sa susunod na taon:
- February 10 – Chinese New Year
- March 30 – Black Saturday
- August 21- Ninoy Aquino Day
- November 1 – All Saints’ Day
- November 2 – All Souls’ Day
- December 8 – Feast of the Immaculate Conception of Mary
- December 24 – Christmas Eve
- December 31 – Last Day of the Year
Kabilang din sa national holidays ang taunang “Eid’l Fitr” at “Eid’l Adha,” ngunit wala pa itong eksaktong petsa.
Malalaman lamang ito kapag natukoy na sa pamamagitan ng Islamic calendar o Islamic astronomical calculations.
“The proclamations declaring national holidays for the observance of Eid’l Fitr and Eid’l Adha shall hereafter be issued after the approximate dates of the Islamic holidays have been determined in accordance with the Islamic calendar (Hijra) or the lunar calendar, or upon Islamic astronomical calculations, whichever is possible or convenient,” saad sa pinirmahang Proclamation No. 368.
Read more:
Donnalyn may hugot sa pagbabalik-trabaho ngayong 2023, netizens napataas ang kilay: ‘Amaccana accla’
ANUNSYO: Ilang special, non-working holidays sa Maynila, 3 iba pang lugar idineklara
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.