Jolo Revilla gusto ng 6 na anak; Lani Mercado winner sa bet nila ni Bong Revilla sa gender reveal party | Bandera

Jolo Revilla gusto ng 6 na anak; Lani Mercado winner sa bet nila ni Bong Revilla sa gender reveal party

Ervin Santiago |August 22,2023
facebook
share this

Jolo Revilla gusto ng 6 na anak; Lani Mercado winner sa bet nila ni Bong Revilla sa gender reveal party

Ervin Santiago - August 22, 2023 - 07:53 AM

Jolo Revilla gusto ng 6 na anak; Lani Mercado winner sa bet nila ni Bong Revilla sa gender reveal party

Angelica Alita at Jolo Revilla

NAG-BET ang celebrity couple na si Cong. Lani Mercado at Sen. Bong Revilla kung boy or girl ang magiging baby ng kanilang anak na si Cong. Jolo Revilla at asawa nitong si Angelica Alita.

And yes, winner ang actress-public servant sa pagiging Team Baby Girl dahil babae nga ang ipinagdadalang-tao ng wifey ni Jolo at natalo naman si Sen. Bong.

Nagpa-gender reveal party ang mag-asawang Jolo at Angelica nitong nagdaang Linggo, August 20, na napanood ng live sa Facebook account ni Sen. Bong.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla)


Dito, namigay din ng mga premyo ang senador sa kanyang FB followers kasabay ng finale episode ng weekly action-comedy show niya sa GMA 7 na “Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis.”

Kahit natalo sa bet nila ng asawang si Lani, super happy pa rin si Bong na baby girl ang susunod na magiging apo niya kay Jolo.

Sa isang bahagi ng gender reveal party ay hindi napigilan ni Jolo ang maluha nang na-reveal nang baby girl ang magiging unang anak nila ni Angel.

“Sa totoo lang, sa amin kasing magkakapatid, ako kasi ang nagbabantay lagi sa mga kapatid ko, lalo na sa mga boyfriend nila.

“So, ako talaga yung pinakaistrikto talaga sa kanila. Alam naman nila yun. Pero siyempre, very supportive naman ako sa kanila ngayon,” ani Cong. Jolo.

Baka Bet Mo: Jolo Revilla, Angelica Alita magkaka-baby na: ‘Sama-sama tayo sa aming gender reveal!’

Sabi naman ni Lani, “Bagay talaga na girl. Kasi may boy na, may girl pa. So, may partner na si Gab (unang anak ni Jolo). And I’m sure Gab will be a very good kuya.

“I-enjoy niyo ang mga anak n’yo, lalo na ngayon na may baby. I’m sure si Jolo, napakahilig niya sa mga babies, eto si Angel, first time Mommy. So, good luck to both of you.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Alita Revilla (@angelrevilla_)


“Nandito lang kami kung gusto niyo pasahan ng apo, at gusto nyong gumawa ng isa pang apo,” ang message pa ng aktres sa mag-asawa.

At knows n’yo ba na anim na anak ang gusto ni Jolo kaya naman ang reaksyon ng kanyang nanay ay, “Gayahin mo kami?”

Hirit naman ni Sen. Bong, “Happy ako girl. Pero talo kami. I’m happy for both of them. Importante, may boy ka na, may girl. Napaka-sweet ng babae. Maski ako, malambing sa babae talaga yung babae, e.”

Sigurado rin daw na magiging strict si Jolo sa magiging daughter, sey ni Bong, “Sa mga kapatid niya, puting tenga na yan, e. Ibig sabihin ng puting tenga, yung talagang sila yung nagbabantay e. Lalo na ito, tatay ka pa.”

Jolo Estrada pak na pak ang pagiging ‘third wheel’ sa tambalang Lovi Poe-Carlo Aquino; agaw-eksena sa ‘Seasons’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong Revilla pa-yummy at fresh na fresh pa rin sa edad na 56, ‘bampira’ yarn: ‘Hindi ako nag-steroids, no stem cells pero may maintenance na rin’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending