Jolo Estrada pak na pak ang pagiging ‘third wheel’ sa tambalang Lovi Poe-Carlo Aquino; agaw-eksena sa ‘Seasons’
UNTI-UNTI nang nakakagawa ng kanyang sariling pangalan sa mundo ng showbiz ang magaling na aktor na si Jolo Estrada.
Si Jolo ay anak ni Sen. Jinggoy Estrada at apo ng dating Pangulo ng Pilipinas na si Erap Estrada kaya naman hindi na nakapagtataka ang kanyang talento sa pag-arte.
Pinag-uusapan ngayon ang partisipasyon ni Jolo sa romantic movie na “Seasons” na nag-number one most viewed film sa Netflix Philippines na nagsimulang mapanood last July 7.
Gumaganap ang aktor sa pelikula bilang si Hans, ang “third wheel” sa tambalan ng mga bidang sina Lovi Poe at Carlo Aquino.
View this post on Instagram
Super in love si Hans kay Charlie, ang karakter ni Lovi sa movie. Wala siyang ginawa kundi habulin ang babaeng pinakamamahal niya.
Pero malaman ni Hans na wala talaga siyang pag-asa sa kanyang best friend dahil in love na ito kay Kurt, na ginagampanan ni Carlo.
Baka Bet Mo: Lovi Poe ‘sinita’ ng dyowa nang mahuling sweet-sweetan kay Piolo Pascual
Kaya ang tanong, patuloy ba siyang kakapit at aasa na mamahalin din siya ni Charlie o magpaparaya na lamang siya at tuluyan nang bibitaw. Yan ang kailangan n’yong malaman kaya watch na ng “Seasons.”
View this post on Instagram
Samantala, abot-langit ang papasalamat ni Jolo sa producer ng “Seasons” na si Roselle Monteverde na nagbigay sa kanya ng opportunity para maging bahagi ng pinag-uusapang pelikula.
“It has been almost seven years since I first appeared on the big screen with my father’s film production, so I had jitters when I first came to the set of Seasons’ in Ilocos.
“But the cast and the crew welcomed me like family, including my co actors Lovi and Carlo and our director Easy Ferrer. They made me feel at home,” aniya pa.
Sa nakalap naming balita, pasok na pasok na rin ang “Seasons” sa Top 10 most viewed movie charts ng Netflix United Arab Emirates, Qatar at Kuwait.
Su Lovi ang mismong nag-conceptualize ng kuwenton ng “Seasons” at mula sa screenplay ni Dwein Baltazar.
Jolo tatakbong kongresista sa Cavite; Bong balik-taping para sa ‘Agimat ng Agila book 2’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.