Jolo Revilla iyak nang iyak habang ikinakasal kay Angelica Alita sa US | Bandera

Jolo Revilla iyak nang iyak habang ikinakasal kay Angelica Alita sa US

Ervin Santiago - December 17, 2019 - 12:51 AM

ANGELICA ALITA AT JOLO REVILLA

PAREHONG napaiyak sina Cavite Vice Governor Jolo Revilla at Angelica Alita habang ginaganap ang kanilang garden wedding sa Pelican, Newport Beach, California, USA.

Naglalakad pa lang sa wedding aisle ang kanyang bride ay napaluha na ang actor-politician kaya pati ang mga bisita ay super cry na rin dahil ramdam na ramdam nila ang pagmamahal ng bagong kasal para sa isa’t isa.

“Jolo, be a good husband. Lahat kami, kinakabahan na, pero makikita po ninyo lahat ng mga nagmamahal kay Jolo, nandirito sila. Thankful ako sa lahat ng mga kaibigan natin na pumarito.

“Makikita po ninyo dito ang malalapit na kaibigan, pamilya. Very solemn po itong wedding, at ito po ang gusto ni Jolo na mangyari, very simple lang,” ang mensahe kay Jolo ng amang si Sen. Bong Revilla, Jr..

Live na napanood ng netizens ang kasal nina Angelica at Jolo na pinangunahan ni Pastor Peter Kairuz ng 700 Club Asia, dahil sa handog na Facebook Live ni Sen. Bong, nais daw kasi niyang ibahagi sa lahat ang isa sa pinakaespesyal na araw para sa kanyang anak.

Ang dalawang kapatid na lalaki ni Angelica ang nakasama niya sa bridal march bilang representative ng kanyang magulang habang nagsilbi namang Bestman ni Jolo ang kanyang kapatid na si Bryan Revilla. Ilan sa mga tumayong principal sponsors ay sina Davao City Mayor Sara Duterte, Cavite Gov. Jonvic Remulla, Cong. Martin Romualdez, former Sen. Jinggoy Estrada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending