Pauleen Luna ibinandera ang gender reveal ng kanilang 2nd baby ni Bossing: Natalo ako, kasi akala ko boy! | Bandera

Pauleen Luna ibinandera ang gender reveal ng kanilang 2nd baby ni Bossing: Natalo ako, kasi akala ko boy!

Therese Arceo |August 09,2023
facebook
share this

Pauleen Luna ibinandera ang gender reveal ng kanilang 2nd baby ni Bossing: Natalo ako, kasi akala ko boy!

Therese Arceo - August 09, 2023 - 06:24 PM

Pauleen Luna ibinandera ang gender reveal ng kanilang 2nd baby ni Bossing: Natalo ako, kasi akala ko boy!

IBINANDERA ng dating “Eat Bulaga” host na si Pauleen Luna ang video mula sa mga kaganapan sa gender reveal ng kanilang second baby ni Vic Sotto.

Kahapon ay nagpahula muna siya sa madlang pipol kung “Team Boy” o “Team Girl” ang mga ito.

“Yesterday, our dear family, headed by Danica and Joy threw an amazing gender reveal party for us [heart emoji] so so grateful for a fun filled afternoon!” saad ni Pauleen.

Pag-amin niya, hindi siya nakatulog matapos ang gender revea dahol hindi sila maka-move on.

At ngayong araw nga ay ibinagi na ni Pauleen sa kanyang Instagram page ang video kung saan nalaman nilang babaeng muli ang kanilang magiging pangalawang anak.

“Thank you again fam for giving us this baby shower, thank you for celebrating life with us! God knows we’ve been praying for this for a long time,” muling pagpapasalamat niya sa mga taong nakasama nila ni Bossing at Tali sa isa sa kanilang espesyal na araw.

Pagpapatuloy niya, “So thank you for celebrating with us!”

Baka Bet Mo: Pauleen Luna kumpirmadong buntis, Tali excited na maging ate

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Talagang kabog ang naging gender reveal ni Pauleen dahil ang konsepto nito ay isang boxing match.

Kung sinumang gender ang mananalo sa match ay ito ang kasarian ng magiging babh No. 2 niya.

Napataas pa nga ang kamay ni Bossing nang malamang baby girl ang nagwagi.

“It’s nice kasi alam mojng pinag-isipan… Pero natalo ako ah kasi akala ko baby boy. Sila ni Tali [gusto girl]. Malakas magdasal,”

Umani naman ng napkaring congratulatory messages ang IG post ni Pauleen.

“God bless you Sotto clan. sobrang nakaka bless and inspire po ang God’s love na nagmamanifest sa family ninyo,” saad ng isang netizen.

“Hahahahahahaha! Cute!!!!!!! Congratulations Bossing and Poleng [Pauleen],” comment ni Sherilyn Tan.

Sey naman ng isa, “It’s a girl!!! A beautiful addition to the fam! Congratulations @pauleenlunasotto !!!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Tatawagin nilang Baby Mochi ang kanilang second baby.

Related Chika:
Pauleen nagpasalamat kay Lord dahil ibinigay sa kanya si Bossing: 6 years ago, I married the man I love

Cristy Fermin natutuwa sa pagdadalang-tao ni Pauleen Luna: Nang dumating ang swerte, bumuhos!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending