Duda ng mga netizens, Pauleen Luna buntis na sa ika-2 baby; Bossing baka may bonggang pasabog daw sa July 1 | Bandera

Duda ng mga netizens, Pauleen Luna buntis na sa ika-2 baby; Bossing baka may bonggang pasabog daw sa July 1

Ervin Santiago |June 27,2023
facebook
share this

Duda ng mga netizens, Pauleen Luna buntis na sa ika-2 baby; Bossing baka may bonggang pasabog daw sa July 1

Ervin Santiago - June 27, 2023 - 07:40 AM

Duda ng mga netizens, Pauleen Luna buntis na sa ika-2 baby; Bossing baka may bonggang pasabog daw sa July 1

Pauleen Luna, Vic Sotto at Tali Sotto

FEELING ng mga social media followers ni Pauleen Luna ay buntis uli siya sa pangalawang baby nila ng asawang si Vic Sotto.

Hot topic ngayon ng mga Marites sa socmed ang latest photo na ipinost ng TV host-actress sa kanyang Instagram account kung saan nagsimula ang chikang pregnant uli si Poleng.

Nauna nang nagduda ang mga netizens sa kundisyon ngayon ni Pauleen nang hindi siya makasama si Pauleen ni Bossing Vic at ng anak nilang si Tali sa wedding ni Kathleen Hermosa sa Cebu.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)


Marami rin ang nakapansin sa tila paglusog ngayon ni Pauleen base sa latest Instagram post niya kasama ang kanyang mister na kuha sa isang salon. Kaya naman may mga IG users na nagtanong kung buntis ba siya.

Kung totoong pregnant na uli si Poleng, siguradong tuwang-tuwa si Bossing dahil palagi naman niyang sinasabi na matagal na nilang ipinagdarasal na mabiyayaan pa sila ng isang anak para may kapatid si Tali.

May isang netizen din ang nagsabi na baka raw sa darating na July 1, sa pagsisimula ng programa ng TVJ sa TV5 ay isa ito sa mga magiging bonggang announcement nina Bossing.

Baka Bet Mo: Bossing ibinuking kung bakit hindi pa uli nabubuntis si Pauleen; dasal ni Tali, magka-baby sister o baby brother

Sa isang panayam noon, sinabi ni Vic na gustung-gusto rin ni Tali na magkaroon ng baby brother or sister, “The truth, tuwing nagdadasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother?’”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Ang problema ay parating katabi namin matulog, e, hindi pa siya natutulog mag-isa, kailangan nasa gitna namin. Kailangan may nakaakap sa kanya, nakaakap sa mommy, kay Daddy niya.

“Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali. Hopefully soon, God-willing.

“Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa. We’re trying, alam mo naman in God’s time… alam mo naman si Tali nu’n, we just waited for God’s timing.

“Nasa Panginoon. Sa Panginoon naman lahat iyan, e, kung bigyan niya ng kasunod si Tali. Kung hindi naman, okay din naman si Tali, marami din naman siyang pamangkin na mas bata sa kanya. Marami naman siyang kalaro,” sabi pa ni Bossing.

Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pauleen, Bossing kinakarir ang paggawa ng 2nd baby: Gusto talaga naming magkaroon ng kapatid si Tali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending