Bossing ibinuking kung bakit hindi pa uli nabubuntis si Pauleen; dasal ni Tali, magka-baby sister o baby brother
Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali
GUSTO pa ng mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna na bigyan ng kapatid ang panganay nilang anak na si Tali.
Isa raw ito sa hinihiling ng celebrity couple sa Diyos pero ayon kay Bossing, hindi naman daw sila nagmamadali na magkaroon uli ng bagong baby sa kanilang bahay.
Pero inamin ng veteran TV host-comedian sa isang panayam na may “hadlang” daw kung bakit hindi pa nagkakaroon ng kapatid si Tali na apat na taon na ngayon.
“The truth, tuwing nagdarasal sa gabi ‘yan, parating sabi kay Papa Jesus niya, ‘Thank you for my dad, thank you for my mom. Can you please give me a baby sister or a baby brother?’” pagbabahagi ng “Eat Bulaga” host.
Kuwento pa ni Bossing, wala raw talagang chance na makagawa uli sila ng baby ni Poleng dahil hanggang ngayon ay sa kuwarto pa nila natutulog si Tali.
“Ang problema kasi, parati namin siyang katabi matulog, e, hindi pa siya natutulog mag-isa, kailangan nasa gitna namin (ni Pauleen).
“Kailangan may nakayakap sa kanya, nakayakap sa mommy, kay Daddy niya.
“Yun ang problema kaya hindi pa nagka-baby sister or baby brother si Tali. Hopefully soon, God-willing,” aniya pa.
View this post on Instagram
Patuloy pa niya, “Sabi ko nga, masusundan si Tali kapag matuto na siyang matulog mag-isa.
“We’re trying, alam mo naman in God’s time, alam mo naman si Tali nun, we just waited for God’s timing.
“Nasa Panginoon. Sa Panginoon naman lahat iyan, e, kung bigyan niya ng kasunod si Tali.
“Kung hindi naman, okay din naman si Tali, marami din naman siyang pamangkin na mas bata sa kanya. Marami naman siyang kalaro,” chika pa ni Bossing sa nasabing interview.
https://bandera.inquirer.net/301986/hirit-ni-tali-sotto-sa-kanyang-mommy-pauleen-kuya-vico-looks-like-daddy
https://bandera.inquirer.net/304357/pauleen-nagpasalamat-kay-lord-dahil-ibinigay-sa-kanya-si-bossing-6-years-ago-i-married-the-man-i-love
https://bandera.inquirer.net/301778/pauleen-may-tanging-dasal-para-kay-tali-pinuri-ang-pakikipag-usap-sa-security-guard
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.