Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard | Bandera

Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard

Ervin Santiago |December 30,2021
facebook
share this

Pauleen may tanging dasal para kay Tali; pinuri ang pakikipag-usap ng anak sa security guard

Ervin Santiago - December 30, 2021 - 05:32 PM

Vic Sotto, Pauleen Luna at Tali

KUNG ang ibang mga magulang ay naghahangad ng marangya at bonggang buhay para sa kanilang mga anak, may ibang hiling naman si Pauleen Luna para sa paglaki ng anak na si Tali.

Tulad din ng mga ordinaryong nanay, palagi ring ipinagdarasal ng TV host-actress na sana’y lumaking mabuti at marespetong bata ang nag-iisang anak nila ni Bossing Vic Sotto. 

Sa pamamagitan ng kanyang  Instagram account, sinabi ni Poleng na higit sa mga materyal na bagay mas hinahangad niya ang pagkakaroon ni Tali ng mabuting kalooban.

“My dream for her is to grow up to be kind and down to earth. ‘Yan ang pangarap ko for her. That is real success,” ang caption ni Pauleen sa kanyang IG post.

Sa isa namang video clip na ibinahagi ng asawa ni Bossing sa social media, makikita kung  paanong makitungo at makipag-usap si Tali sa isang security guard at isang supermarket staff tungkol sa cake.

“I love that she’s friends with everyone,” pahayag ni Pauleen.

Kaya naman ang isa sa laging ipinagdarasal ni Pauleen sa Diyos ay ang patuloy na gabayan ang kanilang anak at bigyan ng malawak na pag-iisip ang bata.

Sana rin daw ay maging maliwanag sa isip at puso ni Tali ang kahalagahan ng pagiging mababang-loob at ang pag-unawa sa kung ano ang tama.

“I never want her to think she is superior to anyone. I want her to treat and see everyone equally,” pahayag pa ni Poleng.

Dagdag pa niya, “Respect is also something I want her to show everyone because disrespect is not tolerated in our house.

“It would be my success to see my daughter have a good and kind heart. I will not cease praying,” lahad pa ng celebrity mom.

Kung matatandan, halos ganito rin ang palaging wish ni Pauleen sa tuwing sasapit ang kaarawan ni Tali, “My sweet little girl! Happy birthday to you (heart emoji) I know I gave birth to you, but you definitely gave life to me!”

“Thank you for pushing me to be the best version of myself and for allowing me to live my dream, which is to become a mom!” ang mensahe pa ng TV host kasabay ng pagsasabing si Tali ang kanyang “best success.”

“That’s why I pray for you to have a kind, compassionate, loyal heart. I pray that you will always choose to be kinder than be right. I pray that you will always bring sunshine wherever you go ’til you’re old because that’s how we feel when we’re around you.

“So proud of what you’re turning out to be anak! Konting patience lang kay mommy and daddy. WE LOVE YOU! Happy birthday Talitha!” pagbati pa niya sa anak noong mag-birthday ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Pauleen nalulungkot, natatakot sa ilang negatibong epekto ng online class kay Tali

Pauleen ibinandera ang 10 taong relasyon nila ni Bossing: Know that in this life, I will always choose you

Hugot ni Pauleen sa kanyang mommy at daddy: Buti na lang sila ang naging magulang ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending