Pauleen Luna kumpirmadong buntis, Tali excited na maging ate | Bandera

Pauleen Luna kumpirmadong buntis, Tali excited na maging ate

Therese Arceo |July 29,2023
facebook
share this

Pauleen Luna kumpirmadong buntis, Tali excited na maging ate

Therese Arceo - July 29, 2023 - 06:49 PM

Pauleen Luna kumpirmadong buntis, Tali excited na maging ate

TULUYAN na ngang inamin ni Pauleen Luna na ipinagbubuntis niya ang kanilang baby no. 2 nila ni Bossing Vic Sotto.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang video ni Tali kung saan naglalaro ito ng mga lobo na nakasulat ang “big sister”.

Caption ni Pauleen, “Someone’s excited to be a…..”

Ito na nga ang kanilang kumpirmasyon matapos ang ilang linggong pagtatanong at pag-uusisa ng netizens kung may kasunod na nga ba ang kanilang panganay na si Tali.

Marami na rin kasi ang nakapansin sa preggy awra ni Pauleen bagay na mas lalo pang umigting nang tawagin siyang “buntis” ni Joey de Leon sa kanilang pilot episode ng “E.A.T.” noong July 1.

Mukhang inantay lang niya na matapos ang umang trimester ng kanyang pagdadalangtao bago niya ito inanunsyo sa mga dabarkads.

Baka Bet Mo: Duda ng mga netizens, Pauleen Luna buntis na sa ika-2 baby; Bossing baka may bonggang pasabog daw sa July 1

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marie Pauleen Luna- Sotto (@pauleenlunasotto)

Umani naman ng mga congratulatory messages mula sa dabarkads ang magandang balitang hatid ni Mrs. Sotto.

“Woohoo!!!!!! Yey Tali Girl!!!! We are so excited for you!!! You’ll be the best Ate for sure,” saad ni Joy Sotto.

Sey naman ni Camille Prats kay Pauleen, “WAAAAHHHHHH congratulations mars!!! And bossing!!!! My heart is so so happy!!!!!”

“We were just praying for a new baby, and now here we are! Surreal, but that’s how the Lord works!!! Congrats to your new promotion, Taligirl!!!!” hirit naman ni Nina Sotto.

Kapansin-pansin na rin ang paglaki ng tiyan ni Pauleen nang mag-guest sya sa July 29 episode ng “E. A.T.” para sa selebrasyon ng National Dabarkads Day o ang 44th anniversary ng longest running noontime show.

Nagkaroon kasi ng twist sa segment nilang “Babala: Huwag ganu’n” kung saan silang mga asawa ng TVJ ang nagsilbing hosts habang sina Vic at Joey naman ang naging mga contestants.

Hirit naman ni Bossing Vic matapos ang segment, “Tuloy tuloy lang ang celebration ng National Dabarkads Day at dahil celebration of love, gusto ko lang i-announce na nagbunga ang aming pagmamahalan [tukoy sa pagbubuntis ng asawa].”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Congratulations, Sotto family!

Related Chika:
Pauleen Luna kay Vic Sotto: You are God’s gift to me and to so many people

Pauleen, Bossing kinakarir ang paggawa ng 2nd baby: Gusto talaga naming magkaroon ng kapatid si Tali

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending