Jolo Revilla, Angelica Alita magkaka-baby na: 'Sama-sama tayo sa aming gender reveal!' | Bandera

Jolo Revilla, Angelica Alita magkaka-baby na: ‘Sama-sama tayo sa aming gender reveal!’

Ervin Santiago |August 02,2023
facebook
share this

Jolo Revilla, Angelica Alita magkaka-baby na: ‘Sama-sama tayo sa aming gender reveal!’

Ervin Santiago - August 02, 2023 - 03:32 PM

Jolo Revilla, Angelica Alita magkaka-baby na: 'Sama-sama tayo sa aming gender reveal!'

Jolo Revilla at Angelica Alita

CONFIRMED! Buntis na ang asawa ni Cavite 1st District Representative Jolo Revilla na si Angelica Alita-Revilla.

Ito ang masaya at excited na ibinalita ng kongresista sa publiko sa pamamagitan ng kanyang social media accounts ngayong araw.

Ayon kay Jolo, ito na ang pinakamagandang regalo na natanggap ng kanyang pamilya, lalo na ng pinakamamahal niyang asawa na dating Binibining Pilipinas 2016 1st Runner-up, para sa kaarawan nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jolo Revilla (@jolo_revilla)


“Ngayong ika-2 ng Agosto ay pinaka-espesyal para sa akin dahil ngayon ang kaarawan ng aking maybahay na si Angel Revilla.

“At magiging mas espesyal pa ito dahil gusto naming ipaalam sa inyo na buntis ang aking asawa. Nagpapasalamat kami dahil biniyayaan kami ng Maykapal ng anak, bunga ng aming malalim na pagmamahalan sa isa’t isa,” ang pahayag ng batambatang mambabatas.

Pagpapatuloy pa niya, “Patapos na sa huling linggo ng kanyang trimester at masaya kaming malusog na nagdadalang tao ang aking asawa.

Baka Bet Mo: Bong Revilla biglang isinugod sa ospital, Lolit Solis nag-alala: Scary ang dating sa akin ng balita

“Madami kaming kinaharap na mga problema mula nang kami ay ikinasal pero ang lahat ng ito ay aming nalagpasan at nangibabaw ang aming pagmamahal sa isa’t isa.

“Kaya naman, lubos-lubos ang aming pasasalamat at kasiyahan na ipaalam sa inyo na ilang buwan na lang ay isisilang na ang aming supling,” mensahe pa ni Cong. Jolo.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Angelica Alita Revilla (@angelrevilla_)


Anita pa, excited na sila ni Angel sa kanilang next journey bilang pamilya, “At mas lalo kaming excited na ikwento ang journey ng aking asawa bilang INA. At syempre, super excited kaming malaman kung ano ang gender ng aming magiging anak.”

Sabi pa ng kongresista ng Cavite, “Napakadaming biyaya ang dumating sa amin, kasama dyan ang pagkakahirang sa akin bilang Number 1 Top Performing Congressman sa CALABARZON.

“Kaya naman patuloy tayong nagpapasalamat sa mga pangyayari sa aming buhay. Susuklian namin ito ng walang katapusang pagseserbisyo at pagmamahal sa ating mga kababayan.

“Samahan niyo kaming manalangin parati na maging maayos ang pagdadalang tao ng aking maybahay hanggang sa lumabas na malusog ang aming anak. Sama-sama tayo sa aming Gender Reveal, salamat po!” ang kabuuang mensahe ni Jolo Revilla.

Jolo Estrada pak na pak ang pagiging ‘third wheel’ sa tambalang Lovi Poe-Carlo Aquino; agaw-eksena sa ‘Seasons’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bong Revilla balik na sa pagba-vlog, ibinandera ang ‘greatest’ lesson na natutunan sa ama

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending