Chito dinenay ang pagiging kuripot, marunong lang daw gumastos ng pera, hirit ni Neri: 'Sobrang happy ako na napangasawa ko siya!' | Bandera

Chito dinenay ang pagiging kuripot, marunong lang daw gumastos ng pera, hirit ni Neri: ‘Sobrang happy ako na napangasawa ko siya!’

Ervin Santiago |May 02,2023
facebook
share this

Chito dinenay ang pagiging kuripot, marunong lang daw gumastos ng pera, hirit ni Neri: ‘Sobrang happy ako na napangasawa ko siya!’

Ervin Santiago - May 02, 2023 - 07:13 AM

Chito dinenay ang pagiging kuripot, marunong lang daw gumastos ng pera, sey ni Neri: 'Sobrang happy ako na napangasawa ko siya!'

Chito Miranda, Rhea Tan at Neri Miranda

NAGKAKATULUNGAN nang bonggang-bongga ang celebrity couple na sina Chito at Neri Miranda bilang mag-asawa pagdating sa paghawak ng kanilang mga finances.

Inamin ng tinaguriang “wais na misis” na hindi naman biglaan ang pag-asenso nila ni Chito sa buhay, talagang pinaghirapan nila ito at dumaan din sa matitinding challenges.

Ayon kay Neri, na idol na idol ngayon ng mga kapwa niya working mom pagdating sa paghawak ng pera at pagpapatakbo ng negosyo, nakuha niya sa kanyang mister na si Chito Miranda kung paano ang tamang istilo sa pag-iipon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Ayon naman kay Chito, napakabilis matuto ni Neri ng tama at epektibong pamamaraan sa pagpapatakbo at pagpapalago ng negosyo.

“One thing na proud ako na natutunan niya is sa business before wala siya talagang pakialam diyan.

“Self-taught, natuto siya maging business person. Dati hindi talaga siya mag-handle ng money, ngayon kilala na siya as wais na misis. Sobrang proud ako,” ang pahayag ng bokalista ng OPM band na Parokya ni Edgar sa panayam ng “Magandang Buhay” kahapon ng umaga.

Baka Bet Mo: Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Sey naman ni Neri, natutunan naman niya sa kanyang asawa kung paano mag-ipon, “Kay Chito ako natuto mag-ipon. Sa mundo natin sa showbiz kapag kumita tayo niyan ‘ah sige,’ makikita mo ang ganda ng ano niya, eh, kailangan mo rin mag-invest sa sarili mo, kasi laking ukay lang ako.

“Doon si Chito pumasok na parang ‘gusto ko niyan dad’ kasi si Chito kuripot talaga siya. Gusto ko ‘yan na may ipon siya sa bangko, tapos nakakapag-invest ka, tapos kaya mo pa rin ang luho mo, sabi ko ‘turuan mo ako dad,'” pahayag pa ni Neri.

Ayon naman kay Chito, hindi siya kuripot, knows lang daw niya kung saan dapat gastusin ang pera at kung paano ito gagamitin sa investment.

Naikuwento rin ni Neri sa morning show ng ABS-CBN kung paano siya nagismulang magnegosyo sa murang dad. Sey ng wais na misis, bukod sa paglalako ng mga ulam ay naranasan din niyang mangolekta ng kaning baboy para sa mga alaga nilang baboy.

“Never ko siya ikinahiya kasi nag-e-enjoy ako. Nag-eenjoy ako kumuha ng kaning-baboy. Nage-enjoy ako magtanim-tanim, yung medyo nahiya lang ako nu’ng nangungutang na ako sa tindahan, may listahan.

“Yun pala ang aking training papunta sa life na ito,” ang pahayag pa ng aktres at matagumpay na negosyante.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sabi naman ni Neri patungkol kay Chito, “Inspirasyon ko siya at supporter. Sobrang happy ako na napangasawa ko talaga siya.”

Feeling ni Chito, hindi niya mararating ang estado ng buhay niya ngayon kung hindi dahil sa kanyang masipag at madiskartemg wifey.

“Kasi sobrang conservative ko when it comes to investments and businesses. Because of her, sobrang laking bagay talaga.

“Kasi all I knew ay pagbabanda tapos ang investment ko kumbaga wala akong ibang gustong gawin kung hindi magbanda at ‘yung investment ko ay passive lang.

“Pero because of her, ngayon ang saya. Lagi talaga akong nagpapasalamat na ‘salamat pinilit mo akong mag-rest house, pinilit mo akong mag-invest, mag-ganyan’ kasi malakas talaga ang loob niya,” pahayag pa ni Chito.

Nagbigay din ng payo si Chito pagdating sa wastong paggastos sa pera, “Whatever money you have, instead of buying something na luho lang invest mo into something that will make you more money, hanggang umabot sa point na ‘yung gusto mong bilhin ay barya na lang, na hindi mo iko-consider na part ng pera mo, parang ganu’n.

“Invest lang nang invest. Kunwari ako nu’ng kid ako, I started earning. Instead of buying a beautiful car, a fancy car bumili ako ng pinakasimple na car.

“At ‘yung money na yon ay in-invest ko na lang hanggang sa umabot sa point na pwede ko nang ma-afford ‘yung pinakagusto kong car,” ang pagbabahagi pa ni Chito.

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Birthday hirit ni Chito kay Neri: Mahal na mahal na mahal kita, asawa ko…buti na lang talaga nilandi kita!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending