Birthday hirit ni Chito kay Neri: Mahal na mahal na mahal kita, asawa ko...buti na lang talaga nilandi kita! | Bandera

Birthday hirit ni Chito kay Neri: Mahal na mahal na mahal kita, asawa ko…buti na lang talaga nilandi kita!

Ervin Santiago |September 07,2022
facebook
share this

Birthday hirit ni Chito kay Neri: Mahal na mahal na mahal kita, asawa ko…buti na lang talaga nilandi kita!

Ervin Santiago - September 07, 2022 - 10:45 AM

Birthday hirit ni Chito kay Neri: Mahal na mahal na mahal talaga kita, asawa ko...buti na lang talaga nilandi kita!

Neri Miranda at Chito Miranda

“MAY ibang level pa pala ng kaligayahan na nakalaan para sa akin!”

Yan ang ibinandera ng Parokya ni Edgar vocalist Chito Miranda patungkol sa nararamdaman niya ngayon para sa kanyang wais na misis na si Neri Naig-Miranda.

Pak na pak ang mensahe ng OPM icon at “Idol Philippines” judge para sa 37th birthday ni wifey ngayong araw, September 7.

Nag-post sa Instagram si Chito ng throwback photo nila ni Neri kalakip ang kanyang nakakakilig na birthday message. Talagang mapapa-sana all ka na lang sa pagiging sweet hubby ng singer-songwriter.

Sabi ni Chito sa caption ng kanyang IG photo, “Eto yung time na nagpapa-cute pa lang ako kay Neri Naig.

View this post on Instagram

A post shared by Chito Miranda (@chitomirandajr)


“Hindi ko pa alam nung time na ‘to na sya pala ang magiging dahilan kung bakit ako magiging sobrang masaya at kuntento sa buhay,” pahayag ni Chito.

Patuloy pa niya, “Masaya naman ako dati (rakenrol eh), ngunit wala akong paki sa mundo at di ko alam na hindi pa pala ako kumpleto…at may isasaya pa pala.

“May ibang level pa pala ng kaligayahan na nakalaan para sa akin.

“May nagmahal sa akin na higit pa sa pagmamahal ko sa aking sarili. Nagkaroon ako ng asawa’t mga anak na sobrang mahal na mahal ko, na di ko man lang inakala na may ganung capacity pala ako to love,” sey pa ni Chito.

Dagdag pa niyang pahayag, si Neri raw ang palaging nagpapaalala sa kanya kung gaano siya kasuwerte at ka-blessed sa buhay.

“She is my constant reminder that everything will be fine…that life may not be perfect, but it will always be beautiful because I will always have her to hug when I really need one.

“She is my closest, most direct connection to God kasi dahil sa kanya, I am reminded everyday kung gaano ako ka-blessed at kung gaano kaganda ang mundo,” sey pa ng singer.

Dugtong pa niya sa kanyang birthday greeting kay Neri, “Because of her, I am at peace. This is how I feel because of Neri. That is how much I love her.

“Happy Birthday, Neri Naig, 6th placer sa SCQ, ngunit number 1 naman sa tagumpay ng buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“I am sooooo proud of you, at mahal na mahal na mahal talaga kita, asawa ko…buti nalang talaga nilandi kita,” hirit pa ni Chito Miranda.

Chito muling pinuri ang asawa: Napakaganda ni Neri, medyo weird, pero sobrang bait!

Chito tuwang-tuwa sa mga nahuli nilang isda ni Neri: Medyo feeling mo nilibre ka ni God

Bakit nga ba ‘nawala’ si Chito at ini-report sa pulis ng pamilya at mga kaibigan noong 2010?

Chito todo kayod sa edad 17, maraming isinakripisyo para makaipon: Hindi forever ang pagbabanda…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending