Dingdong gustung-gustong makatulong sa mas maraming Pinoy, tuloy na nga ba ang pagsabak sa politika?
HINDI nag-“YES” pero hindi rin sumagot ng “NO” ang Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes nang matanong kung may balak ba siyang sumabak sa mundo ng politika.
Sa pagkakaalam namin, matagal nang nililigawan ng iba’t ibang political party ang mister ni Marian Rivera na tumakbong kongresista o senador pero wala siyang tinanggap na offer.
Sa guesting ni Dong sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong nagdaang Biyernes, April 21, napag-usapan nga ang tungkol sa politika at public service.
View this post on Instagram
Tinanong siya ni Tito Boy kung may plano ba siyang tumakbo sa kahit anong government position.
Sagot ni Dingdong, “Gusto ko pong aminin that I really thought na sana there’s a chance for me to do more for the Filipino people over and beyond my work here in the industry pero never pa umabot sa punto para masabi kong, ‘Sige, gagawin ko ito.’
Baka Bet Mo: Kuya Kim gustong si Dingdong ang bumida sa kanyang life story; game na ring sumabak sa akting
“It’s because I regard public office, especially kapag sinabing public service ‘yun talaga ang top priority.
“I recognize na it’s not that easy, it will require much of your time, much of your energy, your love, your passion, of yourself, and it takes much sacrifice,” aniya pa.
View this post on Instagram
“Isang bagay ang malinaw sa akin ngayon, that I have multiple roles to fulfill, literally and figuratively, because I want to be the best father to my children, the best husband to Marian, a good son, a responsible member of this beautiful industry, while striving to be a good citizen of this country each and every day,” sabi pa ng award-winning Kapuso actor.
Hirit pang tanong ni Tito Boy kay Dingdong, “I like your discussion Dong about being many, pero hindi ka nagsasara ng pintuan?”
“I think it’s not for me to say but the circumstance,” maikli pero makahulugang tugon ng aktor at TV host.
Angeline ilang beses nang inalok na sumabak sa politika: Why not? Pero…
Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.