Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo? | Bandera

Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo?

Therese Arceo |May 06,2022
facebook
share this

Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo?

Therese Arceo - May 06, 2022 - 01:15 PM

Dingdong Dantes may pa-tribute sa mga nanay, palihim na inendorso si Leni Robredo?

NAGLABAS ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes ng video sa ngayong Huwebes, May 5, bilang tribute sa mga nanay ngayong papalapit na ang Mother’s Day.

Bumida sa kanyang video ang asawang si Marian Rivera pati ang kanyang inang si Angeline Gonzalez Dantes. Dito ay binigyan pugay niyaang husay maging ang mga sakripisyo nito.

“Iba ang mga Nanay: Mayapang. Walang sinusukuan. Ibang klase magmahal — radikal. Inspirasyon natin sila para patuloy na maging mabuti at gumawa ng mabuti,” saad ni Dingdong sa caption ng kanyang post.

Dagdag pa niya, “Sana lahat tayo, ipagdiwang pang lalo ang mga ina. Dahil alam nating lahat na totoong dakila sila.

Binati rin ni Dingdong ang mga ina sa bawat sulok ng mundo ng “Happy Mother’s Day”.

Pero true kaya ang chika na palihim na ipinakita ng Kapuso TV host-actor ang kanyang pag-endorso sa isa sa mga presidential candidate na si Vice President Leni Robredo?

Marami kasi sa mga Kakampinks ang naniniwala na may mga “tanda” si Dingdong sa kanyang video na si Leni ang napupusuan nitong kandidato kahit na wala itong direktang anunsyo sa kanyang video.

 

 

Nakasuot si Dingdong ng pink na relo at ginamit rin nito ang ilang mga salita na gamit ni VP Leni sa pangangampanya gaya ng “radikal magmahal”, “tanglaw”, “angat”, at “ipanalo natin”.

“Iba din! Ang tindi nito! Salamat sa pagtindig! Kahit di mo pangalanan alam na alam na sa kulay ng relo! Da mga salitang ‘radikal’, ‘angat’. Salamat po!” saad ng isang netizen.

Reply naman ng isa, “Loud and clear. I am assuming kaya ganito ang message mo ay dahil may conflicy sa contract mo. Naghanap ka ng paraan upang maiparating ninyong mag-asawa ang pagtindig. LOUD AND CLEAR, sir. Saludo!”

“Salamat po sa pagpupugay! You may have pulled out subtle references to your presidential bet but I see that you are siding with the good one,” sabi naman ng isang netizen.

Hirit naman ng isang netizen, “Those words!!! They are enough. ‘Ang Nanay natin ang tunay na liwanay na gaganay sa atin, kaya ipanalo natin siya, araw-araw.”

Hindi naman kataka-taka na agad nag-trending si Dingdong sa Twitter matapos niyang ilabas ang Mother’s Day video tribute niya.

Samantala, nag-trending rin noong nakaraang linggo si Marian dahil inakala ng mga netizens na dadalo ito sa nagdaang Cavite grand rally ng TRoPang Angat noong Mayo 1.

Naglabas kasi ng poster ang mga organizers ng silhoutte ni Darna bilang special guest.

Pero imbes na ang asawa ni Dingdong ang lumabas gaya ng inaakala ng mga netizens dahil tubong Cavite ito, sina Angel Locsin, Sharon Cuneta, at Regine Velasquez ang nagpakita sa madlang pipol na gumanap rin sa iconic role noon na “Darna”.

Matatandaang noong 2016 elections ay isa rin si Marian sa mga artistang nag-endorso kay Leni nang tumakbo ito sa pagka-bise presidente.

Samantalang inendorso naman ni Dingdong ang running mate nitong si Mar Roxas na tumakbo sa pagkapresidente ngunit sa kasamaang palad ay natalo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Paalala ni Dingdong sa mga botante ngayong eleksyon: Ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo

Dingdong Dantes magbabalik host ng ‘Family Feud’

JK Labajo nag-react kay Dingdong Dantes: Sir, linya ko po yan…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending