Paalala ni Dingdong sa mga botante ngayong eleksyon: Ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo | Bandera

Paalala ni Dingdong sa mga botante ngayong eleksyon: Ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo

Therese Arceo - May 04, 2022 - 05:18 PM

Paalala ni Dingdong sa mga botante ngayong eleksyon: Ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo

NAGBIGAY mensahe ang Kapuso star na si Dingdong Dantes sa kapwa Pilipino ngayong papalapit na ang national elections.

Sa kanyang interview sa YouTube vlog ni Kapamilya host Bianca Gonzalez ay ibinahagi niya kung “Paano ba pumili ng iboboto?” para tulungan ang madlang pipol na piliin ang karapat-dapat na kandidatong mamumuno sa pamahalaan.

“Base sa mga observations ko and discernment, sa palagay ko, ito ay isa sa pinakamahalagang eleksyon ng ating henerasyon. ‘Yung upcoming elections is really about recovery — socioeconomic recovery — hindi lang ng bansa kundi ng buong mundo,” saad ni Dingdong.

Bilang ganap na magulang, looking forward talaga si Dingdong sa mas magandang future para sa kanyang mga anak at sa susunod pang henerasyon.

Pero bago raw ‘yun ay dapat mag-focus muna tayo sa recovery ng sariling bansa.

Pagpapatuloy ni Dingdong, sobrang magiging mahalaga ang magiging resulta ng eleksyon lalo na’t nakasalalay dito ang magiging kinabukasan ng kabataan lalo na at ang sususnod na maluluklok sa pwesto ang haharap sa lasalukuyang problema ng bansa gaya ng pandemya.

“Like what you said, it’s about the future of our children. This is about choosing a kind of leadership whom we think we deserve and is capable of addressing the challenges of pandemic and all the other problems,” saad ng TV host-actor.

Ikinumpara rin ni Dingdong ang paraan ng pagpili sa mga kandidato sa kung paano niya inaaral ang kanyang script tuwing umaarte sa kanyang role. Ito ay ang plan, discernment, at act.

Gaya sa kanyang pag-arte, kinakailangan mag-research para malaman kung sino o anong klase ng kandidato ang pipiliin para maging susunod na leader. Sa discernment naman ay ang pag-alam kung ano ano nga bang values ang hinahanap mo sa isang public servant at ang act naman ay bumabangga sa karapatan na bumoto.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

 

“It is our part to execute our right to vote and this is our part to prove that we are responsible citizens in participating in this democratic process,” lahat ni Dingdong.

Bukod rito, hindi lang raw sa eleksyon natatapos ang responsibilidad ng mga mamamayan.

“Kailangan win or lose papanindigan mo ‘yung kandidato mo. Kasi ang binoboto mo ay representation ng pangarap mo. Ito ay representation ng values mo, representation ng paniniwala mo. Hindi mismo ‘yung tao lang becaiuse ‘yung taong ito ang maaaring magdadala sa ito o sa buong bansa doon sa paniniwalang ‘yun,” sey ni Dingdong.

Pagpapatuloy pa niya, “So sana wag mong bitawan yun. Matalo man o manalo, siyempre ibig sabihin, you also have to be responsible of your vote. Kung yung taong binoto natin ay nanalo at gumawa ng mabuti, then suportahan natin

“Peri kung yung taong binoto natin ay hindi na tumugma doon sa expectations, syempre, we call them out. Kasi kailangang responsable ka rin doon sa paniniwala at paninindigan.”

Hirit pa ni Dingdong, hindi rin daw dapat mapagod ang mga tao lalo na ay hindi ito one time thing na kapag natapos ay bibitiw na.

“It is a continuing process na dapat hindi tayo mapagod. Kasi hindi lang ito parang one time thing na because everybody is everybody is excuted, all of a sudden, bibitaw tayo dahil tapos na.”

Related Chika:
Dingdong, pamilya nakipaglaban din sa COVID-19: Na-survive namin ito dahil sa mga ayudang ipinadala ninyo…

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Dingdong, John aktingan showdown sa ‘A Hard Day’, lumebel sa Korean version

Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending