Dingdong, John aktingan showdown sa 'A Hard Day', lumebel sa Korean version | Bandera

Dingdong, John aktingan showdown sa ‘A Hard Day’, lumebel sa Korean version

Ervin Santiago - December 24, 2021 - 06:44 AM

John Arcilla at Dingdong Dantes

GRABE! As in grabe pala talaga ang pelikulang “A Hard Day” nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at 2021 Venice Film Festival best actor na si John Arcilla.

Kaya hindi na kami magtataka kung humakot ito ng tropeo sa 2021 Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal. Ang “A Hard Day” ang official entry ng Viva Films sa taunang filmfest.

Napanood na namin ang latest movie ni Dingdong sa ginanap na premiere night last Wednesday sa SM Megamall Cinema na dinaluhan ng cast members sa pangunguna nga ni Dong.

Sa mga hindi pa aware, ang “A Hard Day” ay remake ng hit Korean movie with the same title at napanood din namin ito ilang taon na ang nakararaan.

Tulad ng Korean version, talagang acting showdown din ang mapapanood sa pelikula nina Dingdong at John bukod pa sa makapigil-hiningang action scenes mula simula ng kuwento hanggang sa ending.

Sure na sure kaming masa-shock ang mga fans dahil ibang-ibang Dingdong ang makikita sa pelikula lalo na ang mga dialogue niya na hindi n’yo pa nasasaksihan sa mga nagawa niyang teleserye at past movies.

Given na kasi ang galing ni John Arcilla na talagang kaiinisan ng mga fans ni Dong sa
action-thriller na “A Hard Day.” Sabi nga namin, mukhang magiging matindi ang laban ng dalawa sa pagka-best actor sa awards night ng MMFF 2021.

Sigurado rin kami na tuwang-tuwa ang direktor ng pelikula na si Lawrence Fajardo sa natatanggap na papuri at positive feedbacks mula sa mga nakapanood na ng bago niyang obra.

Para sa amin, hindi nagpahuli ang Pinoy remake ng “A Hard Day” sa Korean version nito.
Sa katunayan, may mga iconic highlights pa nga sa  MMFF entry nina Dong at John na talagang lumebel (at hinigitan pa nga) sa original version.

Samantala, sa panayam naman ng media kay Dingdong, natanong kung ano ang masasabi niya na nakatrabaho niya ang Volpi Cup awardee sa isang bonggang project at nakasama pa sa MMFF.

“Dito talagang day one hanggang dulo e talagang hardcore action po siya. Kung mae-experience ko man ito, saan pa ba kung hindi kasama si Ginoong John Arcilla.

“Hindi ba parang it made the experience really more worth it dahil talagang kapag nag-in character siya sobrang nakakatakot because that’s how much he imbibes his role,” pahayag ng mister ni Marian Rivera.

Dagdag pa niya, “Whenever he wears his character, kumbaga kung hindi ka napapa-action, mapapa-action ka talaga e, dahil sa husay talaga niya. That’s why I’m very privileged to work with him.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)


Iikot ang kuwento ng “A Hard Day” sa buhay ni Detective Edmund Villon (Dingdong) na nasuong sa sunud-sunod na kamalasan sa loob lamang ng 24 oras.

Namatay ang kanyang ina. Siya at ang mga kasama niya sa departamento ay iniimbestigahan sa isang anomalya.

At sa unang gabi ng burol ng kanyang ina, nakapatay siya ng isang lalaki dahil sa reckless driving.

Susubukan niyang itago ang kanyang kasalanan sa pamamagitan ng pagtatago ng bangkay ng lalaki sa kabaong ng kanyang ina.

Matapos ang libing, bigla na lang susulpot si Lt. Ace “Alas” Franco (John) at magsisimulang takutin si Villon na isisiwalat ang tinatago niyang krimen kapag hindi nito ibinigay ang hinihingi nito — ang bangkay ng lalaking nasagasaan ni Villon.

Isa lang ang kailangang mabuhay sa ending, kanino ka tataya at susugal — kay Dingdong o kay John? Kaya kung gusto n’yong malaman kung sino talaga ang “sakalam” huwag kaligtaang panoorin ang makapigil-hiningang suspense at action na hatid ng “A Hard Day”, showing on Dec. 25, in cinemas nationwide.

Kasama rin sa movie sina Meg Imperial, Janno Gibbs, Gary Lim, Al Tantay at marami pang iba.

RELATED CHIKA:

Dingdong kay Marian: Napakaswerte ko na siya talaga ang naging asawa ko

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

John Arcilla inialay ang ‘Venice’ best actor trophy sa mga pumanaw na mahal sa buhay

Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending