Dingdong Dantes magbabalik host ng 'Family Feud' | Bandera

Dingdong Dantes magbabalik host ng ‘Family Feud’

Therese Arceo |February 26,2022
facebook
share this

Dingdong Dantes magbabalik host ng ‘Family Feud’

Therese Arceo - February 26, 2022 - 01:55 PM

Dingdong Dantes magbabalik host ng 'Family Feud'

MAGBABALIK nang muli ang Kapuso actor na si Dingdong Dantes bilang host ng TV game show na “Family Feud” na mapapanood sa GMA-7.

Sa kanyang Instagram post noong February 23 ay tila nagpahiwatig na ito sa kanyang pagbabalik hosting.

“The stage is set…. It’s time to have some Fun!” saad ng aktor sa kanyang caption.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dingdong Dantes (@dongdantes)

 

Agad namang nagpakita ng pagsuporta ang kanyang misis na si Marian Rivera sa bagong project ng kanyang asawa.

Yaaaay! Congratulations mahal,” saad ng Kapuso Primetime Queen.

Labis naman ang saya at excitement ng mga tagasuporta ni Dingdong dahil muli na naman nilang mapapanood ang aktor pati na rin ang isa sa mga game shows na talagang minahal nila noon.

“Congrats bagay sayo ang mag host ng isang game show ! Kasi matatas at very clear kang magsalita! Again very proud of you Dong,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa pa, “Congratulations po Sir Dindong Dantes! Yahoooo mapapanood ka maming muli!”

Sa katunayan ay may post na si Miss Philippines Earty Top 20 Finalist Zeneth Joy Bueno Khan ng kanilang larawan ng aktor na kuha noong nag-taping sila para sa naturang game show.

“Abangan ang Family Feud hosted by the King of Primetime Television, Dingdong Dantes! Malapit ng mapanood sa @gmanetwork,” caption ng dalaga sa kanyang IG post.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Zeneth Joy Bueno Khan (@zenethk)

Ang “Family Feud” pala ang papalit sa show na “Dapat Alam Mo!” na isang informative show na pansamantalang humalili sa timeslot ng natapos na “Wowowin: Tutok To Win”, ang game show ni Willie Revillame na namaalam sa telebisyon noong February 13.

Nasa plano na raw talaga ang pagbabalik ng “Family Feud” sa telebisyon bilang weekly game show ngunit nag-iba ng plano matapos ngang hindi mag-renew ng kontrata ang TV host-comedian.

Matatandaang unang naging host si Dingdong ng naturang game show noong 2010 nang palitan niya si Richard Gomez na kumandidatong house representative ng Ormoc City.

Related Chika:
Dingdong, pamilya nakipaglaban din sa COVID-19: Na-survive namin ito dahil sa mga ayudang ipinadala ninyo…
Dingdong miss na miss na si misis at 2 anak; Marian payag na ba sa face-to-face classes?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending