OCTA: Mas maraming Pinoy ang may tiwala kay Pangulong Bongbong
Mas maraming Pilipino ang aprub at nagtitiwala kay Pangulong Bongbong Marcos.
Ayon ‘yan sa isinagawang survey ng OCTA Research Group kamakailan lang.
Base sa “Tugon ng Masa” survey ng OCTA, 86% ang lumalabas na trust rating sa presidente, habang nasa 78% naman ang performance rating.
Nakita rin sa survey na 5% lang ang hindi sumang-ayon sa performance ni Pangulong Bongbong, habang 4% lang ang walang tiwala.
Ang pinakamataas na trust rating ay nasa Mindanao.
Sey sa Facebook post ng Office of the Press Secretary, “The President’s highest trust rating was in Mindanao at 92 percent, while he registered an 82 percent trust rating in the National Capital Region.”
Ang highest rating rin ay nakuha sa Class E o ‘yung mga pinakamahirap nating mga kababayan.
Sabi sa FB post, “Marcos got the highest boost from adult Filipinos belonging to Class E, or the ‘poorest of the poor’ registering 90 percent.”
Samantala, palaban din si Vice President Sara Duterte pagdating sa trust at approval ratings.
Nakakuha siya ng 86% trust ratings at 80% naman sa approval ratings.
Ang survey ay isinagawa noong October 23 hanggang 27 sa 1,200 respondents.
Matatandaan sa naunang survey ng OCTA na 85% ng mga Pinoy ang sumasang-ayon na nasa tamang landas ang administrasyong Marcos, habang 6% lang and hindi sumasang-ayon.
Lubos na natutuwa si Pangulong Marcos sa resulta ng mga survey at inilarawan pa niya ito bilang “very encouraging.”
Related chika:
Lolit Solis nakatanggap ng bulaklak mula kay Pangulong Bongbong Marcos: Feeling ko magaling na ako!
Romnick Sarmenta may hugot tungkol sa ‘payaso sa Palasyo’, patama nga ba kay Pangulong Bongbong?
Paul Soriano piso lang ang sasahurin bilang presidential adviser ni Bongbong Marcos
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.