Romnick Sarmenta may hugot tungkol sa 'payaso sa Palasyo', patama nga ba kay Pangulong Bongbong? | Bandera

Romnick Sarmenta may hugot tungkol sa ‘payaso sa Palasyo’, patama nga ba kay Pangulong Bongbong?

Ervin Santiago - November 09, 2022 - 12:05 PM

Romnick Sarmenta may hugot tungkol sa 'payaso sa Palasyo', patama nga ba kay Pangulong Bongbong?

Romnick Sarmenta

MAGKAKAIBA ang naging reaksyon ng mga netizens sa makahulugan at kontrobersyal na pahayag ni Romnick Sarmenta na pinaniniwalaang may kaugnayan sa politika.

Hot topic ngayon sa social media ang tila patama ng veteran actor sa pamahalaan na idinaan niya sa kanyang Twitter account kamakalawa, November 7.

Sa paraang “calligraphy”, isinulat ng “2 Good 2 Be True” actor ang isang tula hinggil sa isang “clown” o payaso na nakapasok daw sa palasyo.

“When a clown enters a palace, he doesn’t become a king; The palace becomes a circus,” ang simulang pahayag ni Romnick.


Aniya pa, “There’s a fine line between that which pleases and that which is beneficial… and it’s called discernment.

“I have been many things to different people, and the only difference I see, is who they are to me,” ang nakasaad pa sa mensahe ni Romnick.

Hindi nagbanggit ng pangalan ang aktor kung sino ang pinatutungkulan niya sa kanyang post o ano ang nais niyang ipakahulugan dito.

Pero naniniwala ang kanyang socmed followers na may kaugnayan ito sa politika lalo pa’t kilala siya bilang isa sa matatapang na celebrities na nagbibigay ng opinyon tungkol sa mga nangyayari sa gobyerno.

Sumuporta rin siya sa kandidatura ni dating Vice President Leni Robredo noong tumakbo itong pangulo last May, 2022 elections. Kaya ang feeling ng mga nakabasa sa “letter” niya ay ang kampo ni Pangulong Bongbong Marcos ang pinatatamaan ng aktor.

Samantala, may bwelta rin siya sa
mga taong nagsasabing isa na siyang “irrelevant” personality ngayon.

“I find it funny that people keep saying I have become irrelevant, and then watch out for every post. Then they repost and talk about me,” tweet pa Romnick.

“Common sense isn’t common I guess,” dagdag niya.

Bukas ang BANDERA sa magiging sagot ni Romnick hinggil sa issue.

Romnick Sarmenta nagpasaring sa taong ginagawang excuse ang ‘art’ sa pagbabago ng katotohanan

Bongbong Marcos ramdam ang mga multo, duwende sa Palasyo: Walang tao pero may gumagalaw, tapos bumubukas bigla ang pinto

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Eleksyon hugot ni Romnick: Paano ba pumili ng kandidato? Gusto n’yo ba ng barumbado o pilosopo?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending