PUTRAJAYA — Nagpakita ng dominasyon ang Pilipinas sa triathlon event ng 29th Southeast Asian Games sa pagsungkit sa nakatayang dalawang ginto at dalawang pilak sa Marina Putrajaya sa Malaysia. Hindi pinakawalan nina Nikko Bryan Huelgas at Marion Kim Mangrobang ang gintong medalya sa pagdomina sa men’s at women’s division Lunes ng umaga upang ibigay sa […]
IPINAGPATULOY ng Pilipinas ang dominasyon sa Southeast Asian Games triathlon competition matapos magtala ng 1-2 finish ang mga pambato nito Lunes ng umaga sa Putrajaya City, Malaysia. Nakuha nina Nikko Huelgas at Marion Kim Mangrobang ang gintong medalya sa 29th Southeast Asian Games men’s at women’s event habang ang mga kakampi nitong sina John Chicano […]
KUALA LUMPUR, Malaysia — Ready na ang Philippine tennis team na humataw simula ngayon sa 29th Southeast Asian Games sa National Tennis Centre-Sports Complex dito at tiwalang mahihigitan ang runner-up finish sa likod ng Thailand dalawang taon na ang nakararaan sa Singapore. Dumating kamakalawa ang Philippine tennis squad sa pangunguna nina coaches Chris Salvador Cuarto […]
KUALA LUMPUR, Malaysia – Perpektong sinimulan ng mga miyembro ng Alliance of Boxing Associations of the Philippines (ABAP) ang kampanya matapos magtala ng impresibong panalo sina Ian Clark Bautista, Mario Fernandez at Eumir Felix Marcial sa pagsisimula ng boxing competition ng 29th Southeast Asian Games Linggo sa Malaysian International Trade and Exhibition Center (MITEC) dito. […]
Mga Laro Ngayon (MABA Stadium) 7:15 p.m. Philippines vs Singapore (women’s) 9:30 p.m. Philippines vs Thailand (men’s) KUALA LUMPUR – Sisimulan ng Pilipinas ang kampanya nito para sa ika-17th gintong medalya sa pagsagupa nito sa Thailand sa men’s basketball competition ng 29th Southeast Asian Games Linggo dito sa MABA Stadium. Matapos na mamayani sa Southeast […]
KUALA LUMPUR – Pamumunuan ni taekwondo jin Elaine Kirstie Alora ang kanyang mga kababayan sa pagsali sa tradisyunal na parada sa pagbitbit sa bandila ng Pilipinas pati na sa pag-asa na mapaangat ang aandap-andap na tsansa ng mga kapwa atleta sa pormal na pagbubukas ngayon ng 29th Southeast Asian Games sa Bukit Jalil National Stadium […]
IPAPADALA ng Pilipinas ang batalyon ng pambansang atleta na sasabak sa kabuuang 38 sports na paglalabanan sa 29th Southeast Asian Games sa pagnanais nitong matabunan ang pinakamababa nitong naabot na pangkalahatan na ikapitong puwesto sa kada dalawang taon na pangrehiyon na multi-sports na torneo. Kabuuang 493 atleta at 149 coaches ang nasa inisyal na listahan […]
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Duterte upang manguna at irepresenta ang bansa sa paghohost nito ng gaganapin na 2019 Southeast Asian Games ang kasalukuyang Senador na si Juan Miguel Zubiri. Ipinaalam mismo ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William “Butch” Ramirez ang kaganapan Huwebes ng umaga matapos kumpirmahin nina Secretary Bong Go at Executive Secretary Salvador […]
PALALAMPASIN ng Larong Volleyball sa Pilipinas Inc. (LVPI) ang pagsali sa Asian Women’s Under-23 Championship na itinakda sa Mayo 13 hanggang 21 sa Nakhon Ratchasima, Thailand upang makapagkonsentra na lamang sa paghahanda para sa paglahok nito sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa Agosto 19-31. Ipinaliwanag ni LVPI acting president Peter Cayco […]
DAPAT ay nasa velodrome subalit sa kalsada na lamang nagsasanay ang Philippine Track Cycling Team. May kabuuang anim na buwan na lamang ang natitirang panahon para sa paghahanda ng Philippine Track Cycling Team subalit walang lugar na mapagsasanayan ang pambansang koponan para sa nalalapit nitong pagsabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia […]
INAASAHANG maiitsapuwera muli ang apat na team sports sa susunod na taon na 29th Malaysia Southeast Asian Games base sa criteria na itinakda ng joint Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission (POC-PSC) SEA Games Task Force. Ito ay ang football, volleyball, netball at bowling na pawang hindi nakapag-uwi ng medalya sa mga nakalipas na edisyon ng […]