Pinas sasabak sa 38 sports sa 29th SEA Games | Bandera

Pinas sasabak sa 38 sports sa 29th SEA Games

Angelito Oredo - June 02, 2017 - 10:03 PM

IPAPADALA ng Pilipinas ang batalyon ng pambansang atleta na sasabak sa kabuuang 38 sports na paglalabanan sa 29th Southeast Asian Games sa pagnanais nitong matabunan ang pinakamababa nitong naabot na pangkalahatan na ikapitong puwesto sa kada dalawang taon na pangrehiyon na multi-sports na torneo.

Kabuuang 493 atleta at 149 coaches ang nasa inisyal na listahan ng Philippine Olympic Committee (POC) na siyang bubuo sa pambansang delegasyon na binubuo ng medal-rich athletics, swimming at ilang team sports tulad ng basketball at volleyball na siyang may pinakamaraming bilang ng kalahok.

Sinabi ni chef de mission Cynthia Carrion na magdadagdag din ito ng 100 iba pang importanteng personnel, pati na sa secretariat at medical staff, na makakasama sa itinakda nitong 742-katao na delegasyon na magpapartisipa sa Agosto 19 hanggang 30 na torneo sa Kuala Lumpur, Malaysia.

“We will finalize the size of our delegation on June 8. By that time, we can already pinpoint the athletes who could give us those medals,’’ sabi ng presidente rin sa Gymnastics Association of the Philippines na si Carrion.

Tutok ang mga Pilipinong atleta na mapaganda ang huling ikaanim na puwestong pagtatapos sa 11-bansa na torneo na kung saan hangad ni Carrion at maging miyembro ng SEA Games Task Force na masungkit ang pangkalahatang ikalimang puwesto.

Nakabilang din sa listahan ang ilang developmental athletes na pagdidiskusyunan pa rin ng joint task force ng Philippine Sports Commission (PSC) at POC bago ang pinakahuling pagsusumite ng listahan sa Malaysia SEA Games Organizing Committee sa Hunyo 8.

Ang centerpiece sport na athletics na may nakatayang 46 gintong medalya ay lalahukan ng 30 atleta habang 20 na swimmer ang nakalista sa aquatics na may paglalabanan na 60 event.

May kabuuang 40 manlalaro ang men’s at women’s football habang tig-12 naman sa basketball, rugby, volleyball at indoor hockey kada koponan sa lalaki at babae.

Ang iba pang malalaki ang bilang ay ang ice hockey (20), lawn bowls (20), cycling (18), gymnastics (18), sepak takraw (17), archery (16) at pencak silat (15).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending