Hidilyn Diaz inatake ng anxiety dahil sa timbang pero wagi pa rin sa SEA Games: Naalarma at nataranta ako, tapos may COVID pa 'ko | Bandera

Hidilyn Diaz inatake ng anxiety dahil sa timbang pero wagi pa rin sa SEA Games: Naalarma at nataranta ako, tapos may COVID pa ‘ko

Ervin Santiago - May 24, 2022 - 03:03 PM

Hidilyn Diaz

MATINDING anxiety ang naranasan ni Hidilyn Diaz bago pa siya sumabak sa 2022 Southeast Asian Games na ginanap sa Vietnam.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ibinahagi ng Pinay champ ang ilan sa mga naging kaganapan sa buhay niya nitong mga nagdaang buwan.

Nakuha ni Hidilyn ang gold medal sa women’s 55kg competition ng  2022 SEA Games pero knows n’yo ba na inatake siya ng anxiety noong magsimula ang 2022 dahil sa paglobo ng kanyang timbang.

“Last January 2022, umabot ng 61.95 kgs ko. Syempre naalarma ako, syempre nataranta ako, tapos may COVID pa ko.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Hidilyn Diaz OLY (@hidilyndiaz)


“Lahat nalang ata ng anxiety naramdaman ko para lang bumalik ulet at makalaro sa international competition at para ipresenta ang Pilipinas sa SEA Games,” pahayag ni Hidilyn sa kanyang IG post.

Ibinahagi rin ng champion athlete kung bakit patuloy pa rin siyang nakikipaglaban bilang weightlifter kahit isa na siyang Olympic gold medalist.

“Marami nang nagsasabi di ko na kailangan maglaro, di ko kailangan gawin ito pero para sa ’kin kasi di ko kayang bitawan basta-basta ang sports na mahal ko dahil nanalo na ko ng Gold Medal sa Olympics at dahil lang sa sinasabi ng iba na pwede na, wag ka na maglaro at wag ka na mag ensayo.

“Ang alam ko kasi kaya ko pa maglaro at mahal ko ang weightlifting,” aniya pa.

Dagdag pa niya, “Para sa akin, ang SEA Games na ito ay comeback ko after ko manalo ng Gold medal sa Olympics, para sa ’kin napatunayan ko na kaya ko pa pala , kaya ko pala magdrop ng weight from 61.95 to 55kgs.

“Kaya naman napakaimportante etong laro ko sa SEAGames dahil hindi naging madali ang preparasyon ko at ginagawa ko ito dahil mahal ko ang weightlifting at Pilipinas,” pahayag pa niya.

Hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang team na pinamumunuan ng kanyang coach at fiancé na si Julius Naranjo.

“Nagpapasalamat ako sa galing ng #TeamHD. Sa head coach ng TeamHD na si Coach @imjulius, salamat sa galing mo sa weightlifting and S &C coaching, pagpapalakas sa akin, pagmotivate sakin to push myself to the limit, sa pag remind sa akin ano ang goal natin as a team.

“Kay @coachjeanetharo sa pagguide sa akin sa food intake, sa pagdrop ng weight ko at the same time nandun pa rin lakas ko, sa pag assure sakin na kaya ko bumababa ng weight na malakas parin. (Kung alam niyo Lang gaano kahirap  pero nagawa namin).

“Kay @dockarentrinidad sa pag motivate sakin at pag train mentally, hirap ng pinagdaanan ko buti nalang may session ako kay doc. Thank you kay @fairyydeii sa pagassist sa TeamHD at kay coach Julius sa laro, at pagiging training partner ko,” sabi pa ni Hidilyn.

Nag-thank you rin siya sa kanyang physical therapist, yoga coach, at iba pang grupong sumuporta sa kanya pati na sa iba pang atletang Filipino na lumaban sa SEA Games.

Samantala, nag-post din ang fiancé  ni Hidilyn na si Julius tungkol sa pagkapanalo ng kanyang future wife sa SEA Games 2022.

“This was it, we brought home the bacon. My first win as head coach for #TeamHD . I can’t say it was a walk in the park. It’s been 10 months since @hidilyndiaz had stepped on an international platform.

“I was probably the youngest head coach in the back room and there’s definitely a lot of pressure as so many naysayers about my age, lack of experience, nationality, and the fact that she was already elite when I started coaching her, but I didn’t let it stop me from being at my best.

“Again the goal is to secure the medal, then go for the record. This is how it came together, this was what made the best sense for us. We did this for God, and the country  and we hope at the very least, we represented to the best of our abilities,” mensahe pa niya.
https://bandera.inquirer.net/289615/usapin-sa-delta-panic-at-chinese-coach-ni-hidylyn

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/286660/darren-hinding-hindi-makakalimutan-ang-payo-ni-coach-sarah-tumatak-talaga-sa-akin-yun
https://bandera.inquirer.net/284649/mga-atleta-at-coach-na-lalahok-sa-tokyo-olympics-at-2021-sea-games-kasama-na-sa-priority-list-ng-covid-19-vaccination

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending