Francine Diaz ipinagtanggol ng ina tungkol sa 'singit' issue

Francine Diaz ipinagtanggol ng ina tungkol sa ‘singit’ issue

Therese Arceo |May 04,2024
facebook
share this

Francine Diaz ipinagtanggol ng ina tungkol sa ‘singit’ issue

Therese Arceo - May 04, 2024 - 08:40 PM

Francine Diaz ipinagtanggol ng ina tungkol sa 'singit' issue

PINALAGAN ng ina ng Kapamilya actress na si Francine Diaz na si Merdick Diaz ang diumano’y “pagsingit” raw ng kanyang anak sa isang event sa Occidental Mindoro kamakailan.

Base sa latest episode ng showbiz program na “Cristy Ferminute” nitong Biyernes, May 3, naiulat ng kolumnistang si Cristy Fermin ang Facebook post raw ng ina ng dalaga bilang pagdepensa sa naiipit niyang anak sa isyu.

“Bukod sa kaniyang mga tagasuporta, may pamilya siyang nasasaktan sa mga naglalabasang negatibong reaksiyon ngayon tungkol sa kaniya [Francine],” saad ni Cristy.

“Kaya nagsalita at nag-post naman si Mommy Merdick Diaz. Na ang sabi niya, ang gusto lang naman daw ng anak niya ay magpasaya. ‘Yon daw naman,” pagpapatuloy pa niya.

Baka Bet Mo: Francine Diaz sumingit nga ba sa performance ng Orange and Lemons?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Aniya, karaniwan lang naman ang naging reaksyon ng ina ni Francine dahil nanay ito.

“Karaniwang ano ‘yan ng nanay. Syempre kakampi sa kaniyang anak na talaga namang tinutudla ng mga intriga ngayon,” sey ni Cristy.

Matatandaang naging usap-usapan kamakailan sina Francine at ang bandang Orange and Lemons dahil sa tila tensyon ng umano’y pag-prioritize at pagsingit ng dalaga sa banda.

Makikita kasing tinawag na ng host ng event ang Kapamilya actress habang nagse-set up at nagre-ready na ang banda para mag-perform.

Nagsalita naman ang lead singer na si Clem Castro nang sumalang na sila at sinabing sana ay bilang artists ay magkaroon ng respeto at huwag magsingitan.

Base naman sa latest report ni MJ Felipe ay maayos na ang lahat sa pagitan nina Clem at Francine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending