Elha Nympha binabanatan ng fans ni Francine Diaz

Elha Nympha binabanatan ng fans ni Francine Diaz: ‘Makisawsaw…really!?’

Ervin Santiago |April 19,2024
facebook
share this

Elha Nympha binabanatan ng fans ni Francine Diaz: ‘Makisawsaw…really!?’

Ervin Santiago - April 19, 2024 - 12:19 PM

Elha Nympha binabanatan ng fans ni Francine Diaz: 'Makisawsaw...really!?'

PATI pala ang “The Voice Kids Season 2” grand winner na si Elha Nympha ay nadamay na sa isyu nina Jayda Avanzado at Francine Diaz.

Isa sa mga best friends ni Jayda sa showbiz si Elha at hindi rin siya nakaligtas sa galit at pagkaimbiyerna ng mga fans ni Francine Diaz kay Jayda.

Ito’y matapos ngang aminin ng anak nina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado na hindi sila masyadong okay ngayon ng malapit din niyang kaibigan na si Francine.

Sa interview kay Jayda ng “Cristy Ferminute” kamakalawa, napag-usapan nga ang estado ng friendship nila ni Francine matapos kumalat ang chika na hindi nga sila on speaking terms ng young actress.

Baka Bet Mo: Jayda umamin sa naging relasyon nila ni Darren: It was MU po!

Ang dahilan – nagpa-picture raw kasi si Jayda sa dating friend ni Francine na si Andrea Brillantes nang magkasama sila sa isang event. Big deal daw ito kay Francine kaya hindi na nito pinansin umano si Jayda.

“Para sa pagpapakatotoo po, matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine. Siguro po ang huli ay noong birthday niya na binati ko siya in private.

“And magiging honest po ako na may mga nangyari po na hindi pagkakaunawaan sa aming dalawa or nagkaroon po ng disagreement,” aniya.

Hindi naman niya sinagot nang diretso ang tanong kung totoonng nanligaw sa kanya ang ka-loveteam ni Francine na si Seth Fedelin.

At ito na nga, hot na hot ngayon ang isyung ito sa social media dahil nga galit na galit ang ilang fans ni Francine kay Jayda. Kinukuwestiyon nila ang pagsasalita ng dalaga tungkol kay Francine.

Sa gitna ng mainit na isyung ito, nagpakita ng concern si Elha kay Jayda na grabe ang natatanggap na hate comments mula sa bashers.

Ang post ni Elha sa kanyang X account, “People be like commenting about a certain issue without even knowing what really happened or what went wrong? Who changed? Who started it first?

Baka Bet Mo: Elha Nympha may pinagdaraanang pagsubok sa kalusugan: ‘Nagpapagamot po ako ngayon, sana po soon makabangon’

“But another problem is that we cannot disclose anything because ofc we don’t want to defame anyone bcos we still care. Time is the ultimate truth teller,” makahulugan pang post ni Elha.

Hindi nagbanggit ng name si Elha pero kaliwa’t kanan ang resbak sa kanya ng fans ni Francine.

Hirit ng isang X user, “What’s the point of this tweet? What do you want to happen? I hope bago ka makisawsaw and makadagdag sa negativity, intindihin mo muna pinanggagalingan ng galit ng fans ni francine. Based from what I read so far, they respected kung anuman yung nangyari sa friendship.

“Wala akong nabasa na nanira kay Jayda kahit alam na naman ng fans na di na sila friends. Nagalit lang sila after na ng interview with Cristy Fermin. Sobrang paninira ang ginawa and yet di pinigilan ni Jayda. Sana man lang she made Cristy stop as respect na lang,” sabi pa nito.

Sinagot naman siya ni Elha ng, “Makisawsaw really? I respect Chin’s fans pero before pa ako mag tweet, While i was doing a live stream on tiktok ako naman inaatake nila? Like what did i do?

“And also please stop spreading fake issues mas lalong lumalala to,” bwelta pa ng young singer.

Narito ang ilan pang comments laban kay Elha.

“Really before ka pa mag post? how sure are you na CHIN’S FANS YUN? ante busy na kami sa beshy mo na si @jaydaavanzado , pag aaksayahan ka pa ba namin KUNG D MO DINAWIT sarili mo?”

Tingin mo pag aaksayahan ka namin ng oras kung d ka sumawsaw, well personally I thought you are still chin’s friends. But with what you did. Saka ka lang naman na bash after you posted that pakikisawsaw.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Paanu ka atakehin sa tiktok mo eh di ka nga namin kilala at lalo di nmin alam ang tiktok mo. baka fans mo un o ky ky no comment mong best friend.”

Wala pang sagot o reaksiyon si Francine hinggil sa kontrobersyang ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending