Elha Nympha may pinagdaraanang pagsubok sa kalusugan: 'Nagpapagamot po ako ngayon, sana po soon makabangon' | Bandera

Elha Nympha may pinagdaraanang pagsubok sa kalusugan: ‘Nagpapagamot po ako ngayon, sana po soon makabangon’

Ervin Santiago |June 29,2023
facebook
share this

Elha Nympha may pinagdaraanang pagsubok sa kalusugan: ‘Nagpapagamot po ako ngayon, sana po soon makabangon’

Ervin Santiago - June 29, 2023 - 06:47 AM

Elha Nympha may pinagdaraanang pagsubok sa kalusugan: 'Nagpapagamot po ako ngayon, sana po soon makabangon'

Elha Nympha

NAPAKASAKIT ng iyak ng Kapamilya singer na si Elha Nympha nang mag-open up siya sa madlang pipol tungkol sa mga pinagdaraanan niya ngayon.

May hinaharap ngayong health problem ang dalaga at hanggang ngayon ay sumasailalim siya sa medical treatment na ayaw pa niyang ibahagi sa publiko.

“Sa health po, I mean common po siya ito sa mga babae like hormonal imbalance mga ganoon po.

“Pero mas may deep pa po na explanation doon sa problema ko po na I think hindi pa ako ready i-share,” ang pagbabahagi ni Elha sa episode kahapon ng “Magandang Buhay ”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐄𝐥𝐡𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐡𝐚 (@elhamaenymphaofficial)


Pag-amin pa ng singer, “Up until now ay nagpapagamot po ako. Sana po soon ay makabangon po. Hindi naman po siya life and death situation pero maaapektuhan po kasi ang future ko as a woman.”

Kasunod nito ay napaiyak ba nga si Elha habang ibinabahagi kung paano niya hinaharap ang mga pagsubok ngayon sa kanyang buhay.

“Inisip ko na lang po ang mga taong nagmamahal sa akin na paano sila? Kaya ba nila na mawala ako? Kaya ba nila na makita akong lugmok?

Baka Bet Mo: Elha Nympha rumesbak sa basher na nagsabing ‘dating chubby, now feeling sexy…nagpagawa ng fez, feeling maganda na’

“I’m sure sa mga nanonood na panganay ngayon ang hirap ipakita sa pamilya na you are weak. Kailangan po kasi may isang tao na matibay lalong-lalo na wala na po akong tatay at nanay ko na lang po ang katuwang ko,” ang lumuluhang pahayag ng dalaga.

Nagkuwento naman ang isa sa mga host ng “Magandang Buhay” na si Regine Velasquez tungkol sa pinagdaraanan ni Elha, na nakakasama niya sa ilang production number sa “ASAP Natin ‘To.”

“Actually nu’ng nag-‘ASAP’ she had a hard time nu’ng kakanta siya dapat, kasi parang ‘yon ang pinoproblema niya ‘kasi I gained a little bit of (weight). So parang feeling niya ayaw niyo na akong kunin kasi hindi niyo na gusto ang itsura ko.’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐄𝐥𝐡𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐡𝐚 (@elhamaenymphaofficial)


“Sabi ko sa kanya parang, ‘no it has nothing to do with that.’ ‘ASAP,’ and we love singing with you because of your voice, your talent, and we love you because you are such a wonderful young lady,” mensahe ng Songbird sa dalaga.

“Elha, it’s okay. Never mind whatever it’s that troubling you right now may pinagdadaanan ang katawan mo, process ‘yan ng katawan natin.

“Process ‘yan na kailangan mong pagdaanan, maghi-heal din yan kasi it’s not like that wala ka namang ginagawa but you know, you need to continue.

“Tama ‘yung ginagawa mo na ‘wag mo na pansinin ang nakaka-nega sa iyo. Kung sino na lang ang makaka-happy at makakapagbigay inspirasyon sa iyo, ‘yun ang pansinin mo,” paalala pa ni Regine kay Elha.

Sa ngayon, ang priority ni Elha ay ang kanyang kalusugan, “Ang hirap i-maintain ‘yung body ko before kasi ang dami po talagang health problems na dumating sa akin ngayon, as in ngayon po.

“I chose not to pansinin ang mga taong nagsasabi na ‘oy grabe ang taba mo.’ Pino-promote ko ngayon ang body positivity and ini-embrace ko ang sarili ko dahil sobrang happy po ako,” sabi pa ng “The Voice Kids” season 2 grand winner noong 2015.

Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Elha Nympha nakapagtayo na ng negosyo sa loob ng UP sa edad na 18, pangarap magkaroon ng sariling resto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending