Elha Nympha rumesbak sa basher na nagsabing 'dating chubby, now feeling sexy…nagpagawa ng fez, feeling maganda na' | Bandera

Elha Nympha rumesbak sa basher na nagsabing ‘dating chubby, now feeling sexy…nagpagawa ng fez, feeling maganda na’

Ervin Santiago |October 17,2022
facebook
share this

Elha Nympha rumesbak sa basher na nagsabing ‘dating chubby, now feeling sexy…nagpagawa ng fez, feeling maganda na’

Ervin Santiago - October 17, 2022 - 08:53 AM

Elha Nympha rumesbak sa basher na nagsabing 'dating chubby, now feeling sexy…nagpagawa ng fez, feeling maganda na'

Pia Wurtzbach at Elha Nympha

NABIKTIMA na naman ng mga laiterang netizens ang Kapamilya singer na si Elha Nympha na walang awang inokray-okray ang kanyang itsura.

Maraming nangnega sa “The Voice Kids” season 2 grand winner nang mag-post siya sa Twitter noong October 12 at isa na nga riyan ang diretsahang nagsabi sa kanya ng “feeling maganda.”

Banat ng hater kay Elha, “Awww… dating chubby, now feeling sexy… nagpagawa ng fez, feeling maganda na!”

Ni-retweet ito ng singer at nilagyan ng caption na, “Maganda naman po ako wag lang po itabi sa akin si Pia kasi maganda po siya kaya papanget po ako.”  Ang tinutukoy niya ay si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝐄𝐥𝐡𝐚 𝐍𝐲𝐦𝐩𝐡𝐚 (@elhamaenymphaofficial)


Marami naman ang naaliw sa sagot ni Elha sa kanyang basher at karamihan sa mga followers niya ay nagkomento na para sa kanila ay maganda pa rin ang dalaga kahit kanino pa siya itabi.

“Hindi ka naman nagpagawa ng face pero maganda ka talaga e.”

“Kahit kanino ka pa tumabi maganda ka pa rin ikaw ang nag-iisang beauty queen naming mga Elhanatics, we Miss Elha balik ka na sa ASAP ha.”

“Maganda ka naman talaga at talented pa! PAK GANERN!”

“Gumaganda talaga at nag-iiba aura at a certain age. Yung iba maganda nung bata pero di na nag level up. Maganda ka sobra kasi super glow up, add na rin yung talent mo and character mo.”

“You are gorgeous, don’t mind them!”

“Gumaganda talaga at nag-iiba aura at a certain age. Yung iba maganda nung bata pero di na nag level up. Maganda ka sobra kasi super glow up, add na rin yung talent mo and character mo.”

Kasunod nito, muling nag-tweet si Elha tungkol sa mga nagko-comment dahil sa pagbanggit niya sa pangalan ni Pia.

“Dami naman affected dito. I didn’t say any names except for Pia Wurtzbach kasi ang ganda niya at MISS U pa!

“It’s giving hindi ako panget, panget ako kasi tumabi ako kay Pia Wurtzbach Ganoin!” ang bwelta pa ng dalaga sa mga bashers.

Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN

Elha Nympha ginaya ang pagsasalita ng mga Indian; nag-sorry matapos akusahang ‘racist’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pumatay sa aso ni DJ Mo naaresto na…hustisya para kay Bamboo: He was beaten and left for dead in the desert

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending