Elha Nympha nais magsilbing inspirasyon, naglabas ng bagong kanta makalipas ang 1 taon
MAY comeback single ang “The Voice Kids Philippines: Season 2” grand champion na si Elha Nympha.
Ito ang “Spark the Dream” in collaboration with FWD Life Insurance, Junior Achievement of the Philippines, at UMG Philippines.
Ayon kay Elha, sa pamamagitan ng kanyang bagong kanta ay nais niya magsilbing inspirasyon sa mga makikinig nito na tuparin ang kanilang mga pangarap.
“It’s an anthem [that you listen to] kapag down na down ka at gusto mong mabuhayan ulit then you have this song,” paliwanag niya.
Saad pa ng singer, “You can sing it and get inspired so you can believe in yourself.”
Baka Bet Mo: Elha Nympha nakapagtayo na ng negosyo sa loob ng UP sa edad na 18, pangarap magkaroon ng sariling resto
Nang tanungin naman siya kung anong parte ng kanta ang kanyang paborito.
Ang chika niya, “There’s this line in the song that says, ‘Wake up now, I believe in us. Let’s make this dream a reality’. I think that’s the most powerful line.”
Inalala pa ni Elha ‘yung mga panahon na namatay ang kanyang ama siyam na taon na ang nakalilipas na kung saan ay kinailangan nilang magbenta ng banana-cue upang matustusan ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
“Bente pesos lang yung kitain ko, masaya na ko doon,” kwento niya.
Dagdag pa niya, “Ang laki na nun for me! Pero narealize ko yung halaga ng pera because, of course, you have to buy the necessities but ang mahal ng mga bilihin.”
Sa kabila ng kanyang mga paghihirap noong siya ay bata pa, ang kanyang talento sa pagkanta raw ang tumulong sa kanya upang matupad ang kanyang pangarap na mag-audition at panalo sa “The Voice Kids.”
“Deep inside we still have a lot of struggles, especially mentally,” sambit ni Elha.
Patuloy niya, “However, I want everyone to know that while I started from zero, I am still working towards reaching one hundred.”
Ibinunyag din ng singer na ilan sa mga kinikita niya bilang music artist ay ibinabahagi niya sa kanyang pamilya at sa komunidad.
“I have this thing na when I get my paycheck, at least 5% of that will be donated to our church or we’ll organize a feeding program with the help of my fans. In my family naman, since I’m the breadwinner, pinapaaral ko rin yung three siblings ko,” ani ng grand champion.
“As a 19-year-old na nangarap din before, the kids who will be a part of this [program] are going to be super lucky! So, maximize it and don’t waste it kasi it’s free!” ani pa ni Elha.
Ang “Spark the Dream” ay isa ring official theme song ng “JA SparktheDream,” ang financial programa para sa mga bata na inilunsad ng FWD Life Insurance.
Related Chika:
Elha Nympha palaban sa patutsada ng netizens: Hindi ko kasalanan na loyal ako sa ABS-CBN
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.