Francine nagalit kay Jayda dahil nagpa-picture kay Andrea?

True ba, Francine nagalit kay Jayda dahil nagpa-picture kay Andrea?

Reggee Bonoan |April 17,2024
facebook
share this

True ba, Francine nagalit kay Jayda dahil nagpa-picture kay Andrea?

Reggee Bonoan - April 17, 2024 - 09:13 PM

Andrea Brillantes, Jayda Avanzado, Francine Diaz | Phots from Mega Entertainment

DAHIL lang nagpa-picture si Jayda Avanzado kay Andrea Brillantes ay sobrang nagalit daw si Francine Diaz sa anak nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragosa?

Natalakay ito sa programang “Cristy Ferminute” nina Nanay Cristy Fermin at Romel Chika kahapon sa 92.3 Radyo 5 TRUE FM nang makapanayam nila si Jayda.

Tinanong ni Nanay Cristy kung totoong hindi na nag-uusap ngayon ang magkaibigan na sina Jayda at Francine.

“Sige po ‘Nay para sa pagpapakatotoo po, matagal na rin pong hindi kami nag-uusap ni Francine, siguro po ang huli ay nu’ng birthday niya na binati ko siya in private.

“And magiging honest po ako na may mga nangyari po na hindi pagkakaunawaan sa aming dalawa or nagkaroon po ng disagreement,” sagot ng dalagita.

Baka Bet Mo: Francine Diaz nag-‘sorry’ sa maling pagbigkas ng ‘Tomorrow X Together’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Ikorek mo ako kung hindi totoo, totoo bang nagkasama kayo sa isang party ni Francine Diaz at maraming-maraming artista ang nandoon nu’ng gabing iyon.

“At nagkataon na nagkaroon ka ng picture with Blythe, si Andrea. Totoo ba na pagkatapos kang makita na nakipag-pose kay Andrea Brillantes kulang na lang na murahin ka niya?

“Anak, gusto kong malaman ang totoo kasi hindi ko gusto ‘yung pamemersonal. Hindi natin pag-aari ang mundo kahit sino ay puwedeng magparetrato kahit kanino. Ano ang totoo sa isyu?” sabi ni Nay Cristy.

Nangingiti naman ang Cornerstone artist bago sumagot, “Well, totoo naman po na nagkasama kami ni Blythe sa isang party saka parang nagkataon lang din po talaga kasi co-host po siya ng party na iyon at nag-picture naman po talaga kami kasi maliit lang naman po ang mundo ng showbiz.

“Ganito na lang po ‘Nay, siguro in respect to the events na nangyari po, sa ngayon po hindi ko na po ie-elaborate po ang mga detalye. Ito na lang po ang sasabihin ko, yung picture namin ni Blythe na I would just really say na importante sa akin na nakikisama po ako sa lahat ng tao sa industriya.

“Aaminin ko po na nagkaroon po ako ng konting backlash sa post na ‘yun na nagsama po kami (sa picture ni Blythe) pero para po sa akin pinalaki po ako ng magulang ko po na dapat may respeto po ako sa lahat ng tao na nakikilala ko po sa industriya and lalo na po sa akin kung si Blythe man po ay nagpapakita ng maganda o okay na pagtrato sa akin,” aniya.

Tanong ulit ng “CFM” host, “Walang ginawang masama sa iyo si Blythe!  Sorry ha, hindi ako pabor do’n!  Kung kaaway ko ang isang tao, hindi ako hahanap ng isa pa na aawayin ‘yung tao na kaaway niya, hindi tama ‘yun.”

Sa mga binasang reaskyon ni ‘Nay Cristy mula sa tagapakinig ng programa nila ni Romel Chika ay nabanggit na kaya inakalang nagalit si Francine kay Jayda ay dahil kay Seth Fedelin na nanligaw pala sa dalagita kaya tinanong ito ng una at napangiti muna bago sumagot.

“Ito na lang po ang sasabihin ko, no comment na lang po,” say ni Jayda.

Ayon kay ‘Nay Cristy ay may nagkuwento sa kanya na naroon din sa party na tumalak daw si Francine ng, “Hindi mo pa alam na ‘yang si Blythe ang nag-try na sumira sa career ko? Mabuti na lang at hindi siya naging successful.”

Kaya ang tanong ni ‘Nay Cristy kay Jayda, “May katotohanan?”

“Sabi ko nga po ‘Nay in respect to the people involved, parang there are certain things din po na it’s not my place to say (anything).  Magiging prangka po ako na labas po ako sa isyu, so ayoko ko na pong sumali pa ro’n,” sambit ng dalaga.

Sobrang hanga nina Nay Cristy at Romel sa nag-iisang anak nina Dingdong at Jessa dahil napakabait at marespetong bata pati sa pagsagot ay kitang-kita ang pagiging edukada.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, inamin ni Jayda na nakapag-usap na sila ni Francine at nagkapaliwanagan na kung ano ang naging problema at pinahahalagahan nito ang kanilang pagkakaibigan.

“We are civil now and I wish her well,” saad ni Jayda.

Bukas ang BANDERA sa panig o kampo ni Francine Diaz.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending