Francine Diaz nag-‘sorry’ sa maling pagbigkas ng ‘Tomorrow X Together’
HUMINGI na ng paumanhin ang Kapamilya young actress na si Francine Diaz matapos mag-trending online.
Ito ay dahil nagkamali siya sa pagbigkas sa pangalan ng K-Pop boy group na Tomorrow x Together o TXT.
Imbes kasi na “Tomorrow By Together,” ang kanyang sinabi sa stage ay “Tomorrow Times Together.”
Magugunita noong April 10 nang maganap ang kauna-unahang Asia Star Entertainer Awards (ASEA) kung saan isa sa mga napiling presenter ay ang Pinay actress.
Iginawad ni Francine ang “Global K-Pop Leader” award sa nabanggit na K-Pop boy band.
Baka Bet Mo: Francine handa na bang magpaseksi ngayong 20 anyos na? ‘I want to explore’
Sa pamamagitan ng Instagram Live, agad inamin ng young star ang kanyang pagkakamali.
“I’m very sorry for that very big mistake,” sey ng aktres.
Paliwanag niya, “Pagpasensyahan niyo na po ako dahil hindi na po ako ganon ka-updated sa nangyayari ngayon sa K-pop world.”
“Alam niyo naman ako, dalawang grupo lang ang ini-istan ko. But now, alam ko na, na-educate na po ako. Tomorrow By Together,” dagdag pa niya.
Kasunod niyan, ikinuwento ni Francine ang naging interaction niya sa TXT sa awards ceremony.
“In fairness sobrang babait nila kasabay ko sila bumaba sa stairs, pinapauna nila ako maglakad. Ino-oferan nila ako ng upuan. Napakabait nila,” chika niya.
Todo pasasalamat din ang Kapamilya actress sa fans ng grupo dahil hindi siya binash ng mga ito.
“Thank you kasi tinake niyo in a positive way. Thank you hindi niyo po ginawang big deal,” wika niya.
francine mentioned that she went down the stairs along with txt. she found txt really nice because they let her go down first and they kept on offering her a seat. in a world full of boys txt are the real gentlemen 🥹🫶pic.twitter.com/MnQVchsMig
— ᥫ᭡ lishie 🌹⊹ ࣪ ˖ (@L0VELYBEOMIE) April 11, 2024
Star-studded at punong-puno ng Korean stars ang nasabing event na dinaluhan ng iba pang Korean stars.
Kabilang na riyan ang Treasure, Billlie, Day6, Kwon Yuri of Girls’ Generation, Ok Taecyeon of 2PM, Stray Kids, The Boyz, at marami pang iba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.