Baron humingi ng tawad sa mga beking pisikal niyang nasaktan: Sana po mapatawad n’yo na ako
HUMINGI ng paumanhin ang aktor na si Baron Geisler sa mga beki na nasaktan niya noong mga pnahong nagbibisyo pa siya.
Ito ay nangyari sa virtual mediacon nina Baron da pelikulang “Barumbadings” kung saan kasama niya ang mga batikang aktor na sina Joel Torre, Mark Anthony Fernandez, at Jeric Raval.
“This is the best time to make amends to those I’ve hurt during the time that I was a very bad boy, barumbado,” saad ni Baron.
Kuwento pa nito, noon daw ay kahit madaanan lang niya ang mga ito ay sinasaktan niya agad.
“May madaanan lang akong bading, nasasampal ko sa mukha. Wala pa naman lagpas lima, siguro nasa tatlo,” pag-alala ni Baron sa mga gawain noon.
“Kung sinuman kayo, sana po ay mapatawad niyo na ako,” dagdag pa ni Baron.
Nagpasalamat rin ito dahil nagkaroon siya ng pagkakataon na humingi ng paumanhin sa mga nasaktan niya.
Aniya, dalawa sa mga aral na natutunan niya mula sa kanyang karanasan noong lulong pa siya sa bisyo ay mali ang manakit at dapat ay igalang ang kapwa. Kaya ito ay inihihingi niya ng patawad ngayon.
“It’s not good to hurt anyone, psychologically, physically. It’s really bad. Be kind to everyone and respect begets respect and respect boundaries as well,” sey ni Baron.
“Nung time na ‘yun kasi kasagsagan ko ng alak and drugs. Noong nasa loob ako ng rehab, isa ‘yan sa mga nag-hit sa kaluluwa ko, sa puso ko, sa utak ko.
“Nakuta ko ‘yung past mistakes ko, and I said, sobrang maling-mali talaga ‘yung ginawa ko. Hindi ‘yun dapat. Hindi ‘yun tama. Sorry from the bottom of my heart,” hinging paumanhin ni Baron.
Samantala naging malapit naman na kaibigan ni Baron ang direktor nilang si Darry Yap.
Ito ay dahil ipinaglaban umano ng direktor na makasama sa pelikulang “Tililing” si Baron na noon ay nagsisimula na sa kanyang bagong buhay.
Bumuhos ng papuri ni Baron sa direktor ngunit hindi niya ito personal na narinig dahil wala siya sa nangyaring mediacon ng “Barumbadings”.
Related Chika:
Baron inatake ng depresyon sa lock-in taping: Buti na lang nandoon si Lander…
Baron Geisler: Nawalan ako ng Diyos…feeling ko kasi ako yung pinakamagaling
Follow us: @banderaphl on Twitter | Bandera on Facebook
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.