Football, volleyball tanggal sa 29th SEA Games? | Bandera

Football, volleyball tanggal sa 29th SEA Games?

Angelito Oredo - December 23, 2016 - 11:00 PM

INAASAHANG maiitsapuwera muli ang apat na team sports sa susunod na taon na 29th Malaysia Southeast Asian Games base sa criteria na itinakda ng joint Philippine Olympic Committee-Philippine Sports Commission (POC-PSC) SEA Games Task Force.

Ito ay ang football, volleyball, netball at bowling na pawang hindi nakapag-uwi ng medalya sa mga nakalipas na edisyon ng kada-dalawang taong pang-rehiyon na torneo.

Habang isinusulat ito ay nakatakda naman isumite ng POC ang kabuuang bilang na 650 katao na inaasam nitong magrerepresenta sa pambansang delegasyon sa torneo na gaganapin simula Agosto 19 hanggang 31, 2017.

Sa football, na mas ibinaba ang kategorya sa edad na 22-anyos pababa, ay hindi pa nakakapagwagi ng anumang kulay ng medalya sapul na sumali ang bansa sa SEA Games kung saan tanging pinakamalaking nagawa nito ay nang talunin nito ang defending champion Malaysia noong 1991 Manila SEAG.

Sa volleyball ay huling nagwagi ng tansong medalya ang Pilipinas noong 2005 Philippine SEA Games na ginanap sa Bacolod City subalit matapos nito ay wala nang nauwing medalya sa sumunod na mga edisyon.

Sa netball, na hindi man lamang nagwagi maski isang laro at nakalasap ng kabiguan sa average na 54.5 puntos ang Pinas, ay hindi naging aktibo sa nakalipas na dalawang taon at walang inorganisa at sinalihang torneo sa labas ng bansa.

Hindi rin naging maganda ang direksyon ng bowling matapos na magkaroon ng kaguluhan sa liderato bago pa ang pagkamatay ng presidente nito na si Toti Lopa bago na lamang muling hinawakan ng dati nitong presidente na si Steve Hontiveros at head coach sa ngayon na si bowling hall of famer Paeng Nepomuceno.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending