PH netters handa na sa paghataw | Bandera

PH netters handa na sa paghataw

Angelito Oredo - August 21, 2017 - 12:13 AM


KUALA LUMPUR, Malaysia — Ready na ang Philippine tennis team na humataw simula ngayon sa 29th Southeast Asian Games sa National Tennis Centre-Sports Complex dito at tiwalang mahihigitan ang runner-up finish sa likod ng Thailand dalawang taon na ang nakararaan sa Singapore.

Dumating kamakalawa ang Philippine tennis squad sa pangunguna nina coaches Chris Salvador Cuarto at Czarina Mae Arevalo at ang mga pambato ng bansa na sina Francis Casey Alcantara at Jeson Patrombon na mga hahambalos sa men’s singles sa alas-12 ng tanghali sa araw na ito.

Sasalang din sa first round ng men’s doubles sa alas-4 ng hapon sina Alcantara at Patrombon.
Kasama rin sa men’s team sina Fil-Am Ruben Gonzales, Jr. at Albert Lim, Jr.

Mauunang mapapasabak sa women’s singles opener sina Fil-German Katharina Melissa Lenhert at Anna Clarice Patrimonio sa alas-10 ng umaga.

At tatapusin ng 8-player PH lawn netters ang abalang araw sa pagpalo rin nina Denise Dy at Khim Iglupas, pati nina Lenhert at Patrimonio sabay-sabay sa alas-2 ng hapon sa women’s doubles.

“Ready and raring to go na kami and I’m optimistic that we can surpass our second place finish in the medal tally two years ago in the Singapore SEA Games,” pahayag ni Cuarto, na walang sablay sa paghawak sa national team sapul sa Thailand noong 2007 SEA Games.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending