Sen. Grace Poe namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Calumpit, Bulacan | Bandera

Sen. Grace Poe namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Calumpit, Bulacan

Antonio Iñares - August 06, 2023 - 12:07 PM

Sen. Grace Poe namahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Calumpit, Bulacan

Sen. Grace Poe

NAGPADALA ng food packs at hot meal si Sen. Grace Poe sa may 500 na katao na naapektuhan ng malawakang pagbaha sa Calumpit, Bulacan nitong nagdaang Sabado.

Sa pamamagitan ng non-government organization na Panday Bayanihan Foundation, tumanggap ang mga benepisyaryo mula sa Barangay Palimbang sa Calumpit ng bigas, instant noodles, canned goods at instant coffee.

Pinangunahan ni Brian Poe-Llamanzares na anak at chief-of-staff ni Sen. Poe ang pamamahagi na naganap sa Calumpit municipal hall para sa mga nasalanta ng pagbaha.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Grace Poe (@sengracepoe)


“Ilang ulit mang dumaan ang mga pagsubok tulad nito, asahan nyo na lagi nyong kaagapay si Sen. Grace Poe at ang Panday Bayanihan para kayo’y tulungan,” ayon kay Poe-Llamanzares na chairperson ng FPJ Panday Bayanihan Foundation.

Nakibahagi rin si Calumpit Mayor Glorime “Lem” Faustino at iba pang opisyal ng bayan sa pamamahagi ng food packs.

Baka Bet Mo: Gina Lopez naalala ng isang konsehal sa Palawan dahil sa matinding pagbaha

“Nakakataba ng puso ang patuloy na pagbuhos ng tulong at suporta sa atin mula sa ating mga national leader tulad nina Senator Poe at Brian Poe-Llamanzares,” pahayag ni Faustino.

Maliban sa food packs, tumanggap din ng lugaw ang may 700 na residente at 500 pakete ng vitamin C upang palakasin ang kanilang resistensiya at pangangatawan laban sa mga sakit.

Nailagay sa state of calamity ang lalawigan ng Bulacan dahil sa malawakang pagbaha dulot ng Habagat na pinalakas ng bagyong “Egay.”

Libu-libong pamilya ang inilikas at milyong halaga rin ng mga ari-arian, imprastraktura at mga pananim ang nasira dulot ng pagbaha at malakas na pag-ulan sa Bulacan.

View this post on Instagram

A post shared by Brian Poe Llamanzares (@heyitsbrianpoe)


Ang FPJ Panday Bayanihan Foundation na ang pangalan ay hango sa sikat na serye ng pelikulang “Ang Panday” na pinagbidahan ng ama ni Senator Poe  na si Fernando Poe Jr. ay itinatag noong 2013 matapos manalanta ang bagyong “Maring.”

Layunin ng grupo na pag-ibayuhin ang bolunterismo at paglilingkod sa pamayanan sa pamamagitan ng pagtulong sa mga kapus-palad at sa mga nasasalanta ng natural at man-made disaster.

Lovi matagal nang pangarap maging action star: I love to do Ang Panday as a woman!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

4 na negosyo ni Robi nagsara dahil sa pandemya pero naka-survive pa rin: Hindi naman kasi ako maluho

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending