Lovi matagal nang pangarap maging action star: I love to do Ang Panday as a woman! Bandera

Lovi matagal nang pangarap maging action star: I love to do Ang Panday as a woman!

Reggee Bonoan |September 16,2021
share this

Lovi matagal nang pangarap maging action star: I love to do Ang Panday as a woman!

Reggee Bonoan September 16, 2021 - 04:38 PM
Lovi Poe

Lovi Poe

DREAM come true para kay Lovi Poe na makatrabaho si Piolo Pascual na napag-usapan pala nila noong dumalo sila sa kasal nina Hayden Kho at Vicki Belo sa Paris, France.

Sino nga ang mag-aakala na pagkalipas ng apat na taon (2017 ikinasal sina Hayden at Vicki) ay heto’t tuloy na tuloy na sina Piolo at Lovi sa una nilang teleserye, ang “Flower of Evil”.

Ito ang Pinoy remake ng nasabing Korean suspense-drama series pero hindi pa binanggit ng Dreamscape Entertainment kung sino ang magiging direktor at kung kailan ang simula ng lock-taping.

Nang ilatag daw ng Kapamilya management ang mga project nila kay Lovi ay nagustuhan agad ng aktres lalo na nu’ng sabihing gagawin niya ang “Flower of Evil” na isa pala sa paborito niya lalo na noong binanggit pa na si Papa P ang magiging leading man niya.

“I’m really excited kasi isa po ‘yan sa mga paborito kong Korean drama, I’m a Korean drama fan, super! But Flower of Evil nu’ng binanggit na ito (gagawin ko), I’m just so excited iba ‘yung naramdaman ko lalung lalo na nu’ng sinabing si Mr. Piolo Pascual pa ang makakasama ko.

“Alam n’yo po kung ano ‘yung unang pumasok sa isip ko is ‘yung scene na nasa loob siya ng pool na nalulunod siya at tumalon ako do’n (para i-save si Piolo), oh my God! It’s such a dream come true!” kinikilig pang kuwento ng aktres.

Dagdag pa niya, “It’s such a beautiful show, thank you ABS-CBN sa pagtiwala n’yo sa akin na makasama ko si Piolo Pascual at magawa ko pa itong  Flower of Evil kaya maraming-maraming salamat.”

Sa paglipat ng aktres sa ABS-CBN ay hoping din siyang makatrabaho sina JM de Guzman, Paulo Avelino, Carlo Aquino, Gerald Anderson, Zanjoe Marudo (ulit) at Coco Martin

Sina Anne Curtis, Kim Chiu, Liza Soberano at Janine Gutierrez naman ang ilan sa mga nabanggit ni Lovi na gusto niyang makatrabaho sa ABS-CBN.

“Everyone. I can go on! Honestly with everyone, I think it’s the time to have us all together to do something amazing that would me such a dream come true,” aniya pa.

Nagbiro naman si Robi Domingo na host ng mediacon na nag-text daw si Coco kung kailan libre si Lovi para sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano” at sakto naman dahil pangarap palang maging action star ng aktres na ito na lang ang hindi pa niya nagagawa sa buong showbiz career niya.

“That would be a great experience hopefully, I hope given the opportunity like the schedules, permit, that would be a great opportunity,” sagot ng aktres

At kung papipiliin siya ng pelikulang gagawin niya sa Star Cinema ay gusto niya ang naging pelikula ng kanyang amang si Fernando Poe, Jr. na “Ang Panday” noong 1980 na ni-remake naman ni Coco noong 2017 for Metro Manila Film Festival.

“I love to do Ang Panday as a woman, it’s a childhood dream,” sabi ni Lovi.

Malamang isa na ito sa ila-line up na movie project ng aktres sa Star Cinema.

Welcome sa Kapamilya Network, Ms. Lovi Poe!

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending