Bagong Panday ni Coco astig, maangas | Bandera

Bagong Panday ni Coco astig, maangas

Djan Magbanua - December 26, 2017 - 04:50 PM

 

BAGONG version, bagong kuwento at mga bagong karakter ang mapapanood sa “Ang Panday” ni Coco Martin, isa sa walong official entry sa Metro Manila Film Festival 2017.

Una mong magugustuhan sa movie ay ang special effects, na balita nami’y talagang ginastusan ni Coco (siya rin ang producer).  Malayo ito sa mga cheap special effects na kadalasang ginagawa sa mga ganitong fantasy-action movies.

Gusto namin ang astig na karakter ng bagong Panday (Flavio III), na isang maangas na tindero sa Tondo pero may mabuting puso.  Malayo ito sa pa-good boy effect ni Coco sa seryeng Ang Probinsyano.

Dahil halos lahat ng nakasama ni Coco sa pelikulang ito ay nakapag-guest na sa Ang Probinsyano akala namin magiging parang extension lang ito ng nasabing serye.  Pero nasorpresa kami kay Coco na siya ring direktor ng pelikula.

Maganda rin ang pagiging modern ng “Panday” na gumagawa ng mga itak, kutsilyo at lagare na siyang ibinebenta ni Flavio III. Ang paghahalo ng mga engkanto at modernong panahon ay na-explore naman ng pelikula.

Tama lang ang timpla ng istorya, pero may mga maliliit na butas kaming nakita. Sa bilis ng takbo ng kuwento, may mga eksenang hindi mo na masyadong maa-appreciate dahil parang maging nagmamadali ang mga karakter.

Panalo rin ang soundtrack ng “Ang Panday,” maging ang pagkanta ni Coco sa pelikula at bentang-benta sa manonood.

Sa opinyon ko, hindi man manalo ng acting awards, ay may laban ang “Panday” sa technical aspect, lalo na sa special effects, production design at sound track. Sa rating na 1 hanggang 10 (10 ang pinakamataas), bibigyan namin ang first directorial job ni Coco sa pelikula ng 7.

Kung nais n’yo ng pampamilyang pelikula na siguradong magugustuhan din ng mga bata, perfect sa inyo itong “Ang Panday”. Swak na swak na movie bonding experience.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending