Eksena sa 90th birthday party ni Gloria Romero iniintriga, anyare?

Eksena sa 90th birthday party ni Gloria Romero iniintriga, anyare?

Reggee Bonoan |January 08,2024
facebook
share this

Eksena sa 90th birthday party ni Gloria Romero iniintriga, anyare?

Reggee Bonoan - January 08, 2024 - 05:01 PM

Eksena sa 90th birthday party ni Gloria Romero iniintriga, anyare?

TRULILI kaya na nag-walkout si Senadora Grace Poe-Llamanzares sa nakaraang 90th birthday celebration ni Ms. Gloria Romeo na ginanap sa Sampaguita Compound noong Disyembre, 2023.

Base sa kuwento ni Jobert Sucaldito sa “OOTD” vlog nila ni Direk Chaps Manansala ay naikuwento ito ng kanyang kaibigan na dumalo sa party.

Aniya, “The party was hosted by Butch Francisco kasi close ‘yan sa mga Golden Girls. Ako rin close sa kanila pero wala na sila (Susan Roces at Amalia Fuentes).

“Ngayon si Senator Grace Poe was invited on behalf of her mom of course the late Susan Roces.  Maraming nandoon like sina Imelda Ilanan, Barbara Perez (mga nakatrabaho sa showbiz).

“Kilala naman natin si Tita Glo na she was really a big, big star up to the present kaya lang ngayon medyo nagbe-vertigo na kaya hindi na siya nakakapagtrabaho.

“Ngayon si Tito Butch was playing with words siyempre as host and the celebrator siyempre ilalagay mo sa pedestal ‘yan.

Baka Bet Mo: Lovi ibinandera ang pagmamahal at paghanga kay Grace Poe sa mismong kaarawan nito: ‘She has always been someone worth emulating’

“Sa kanya (Butch) without naming other queens (sa party) ina-acknowlege niya ang celebrator, so, ang sabi niya, ‘The Real Queen of Philippine Movies, so palakpakan ang mga tao kay tita Gloria.

“Alam mo ‘yung nagkuwento sa akin, sabi niya bigla raw tumayo si Senator Grace Poe sa kanyang upuan at umalis,” pahayag ni Jobert.

Nagkatinginan daw ang mga bisitang nakapansin sa pagtayo ng senadora at nagtatanong kung anong nangyari? Bakit siya umalis?

Opinyon ni Jobert, “Siyempre para sa kanya ang mommy niya na si Susan Roces and Amalia Fuentes was the Queen. Ang atin lang naman dito, regardless kung baga respeto na lang sa celebrator who is not an ordinary person.

“Kung baga respeto na lang, nag-birthday, inimbita ka. Maano bang pumalakpak ka na lang at in-acknowledge mo?

“Tutal naman your mom knows in other life, she’s also a queen.  Ganu’n lang naman ang pagkaka-describe kay tita Gloria at kung ako ang tatanungin personally, I believed so na the truest queen was Ms. Gloria Romero. Pero hindi natin minamaliit ang kakayahan nina tita Amalia at tita Susan, di ba?  Nalungkot ako,” aniya.

Nabanggit naman ni direk Chaps na walang mali sa pagtawag kay Ms. Gloria na The Real Queen of Philippine Movies.

Tsinek namin sa Google at parehong Queen of Philippines Movies sina Ms. Amalia, Ms. Susan at Ms. Gloria sa kani-kanilang panahon sa pelikula.

Nagkataon lang na si Ms. Gloria na lang ang nabubuhay at naibigay ang titulo niya noong 1950’s.

Pero hirit ni direk Chaps, nabalita na rin daw dati sa Senado na nag-walkout din umano ang senadora, “May incident na nag-walkout na rin si Ms. Grace sa senado, so this is not the first time, nu’ng 2021 kasi may late.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sabi pa ni Jobert, “Siyempre, may mga taong naniniwala si Ms. Susan Roces talaga ang tunay na reyna and that includes her (Sen. Grace) because she’s the daughter. Pero sana nirespeto na lang.”

Anyway, nagsabi sina direk Chaps at Jobert na bukas ang “OOTD” show nila para sa panig ni Senadora Grace. At bukas din ang BANDERA para sa panig o kampo ng senadora.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending