PH track cycling team hindi makapag-ensayo sa velodrome | Bandera

PH track cycling team hindi makapag-ensayo sa velodrome

Angelito Oredo - January 09, 2017 - 11:00 PM

DAPAT ay nasa velodrome subalit sa kalsada na lamang nagsasanay ang Philippine Track Cycling Team.

May kabuuang anim na buwan na lamang ang natitirang panahon para sa paghahanda ng Philippine Track Cycling Team subalit walang lugar na mapagsasanayan ang pambansang koponan para sa nalalapit nitong pagsabak sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia na gaganapin Agosto 19 hanggang 31.

Ito ay dahil patuloy na pinoproblema ng pambansang koponan kung saang lugar magsasanay at maghahanda ang mga pambansang siklista na target ang dalawang ginto sa pagsabak nito sa paglalabanang walong event sa track cycling sa kada dalawang taong torneo.

Sinabi ni Integrated Cycling Federation of the Philippines (PhilCycling) national track coach Carlo Jasul na hindi na makapag-ensayo ang walo kataong national track cycling pool sa nag-iisang velodrome sa bansa sa Quezon City dahil halos okupado na ang lugar ng iba’t-ibang aktibidad ng lokal na pamahalaan at religious groups.

“Gusto sana namin all-out na ang training pero iyung velodrome ay hindi na kami puwede dahil maraming aktibidad. Kapag walang activity tsaka lang kami nakakasingit pero putol-putol ang training naming dahil paiba-iba ang gumagamit,” sabi ni Jasul.

“Out na rin kami sa next three months dahil hindi na kami puwede mag-train dahil punong-puno ang sked ng venue. Minsan kami ang naka-schedule pero bigla kaming naba-bump-off at tinatanggal din kami sa sked kapag may event ang QC government,” sabi pa ni Jasul.

Walong gintong medalya ang paglalabanan sa track cycling kung saan nakatutok ang PhilCycling na maiuwi ang dalawang ginto sa pagsabak sa inaasahang pagkukunan ng medalya na Omnium, Scratch at Olympic sprint event.

“Ang sure pa lamang natin sa team ay si Jan Paul Morales na sasabak sa omnium at scratch. Right now, we are still looking for new track riders bago ang deadline sa pag-submit ng entry by name sa July 18. Walong track rider ang nasa pool natin but they are designed o inihahanda natin for the 2019 Manila SEA Games” dagdag pa ni Jasul.

Ang apat ay binubuo nina Morales, Rudy Roque, Archie Cardana at Christian Reyes.

“May isa pang potential pero 17 years old pa lang siya at depende kung papayagan siya ng organizers sumali,” paliwanag ni Jasul.

“Sa ngayon ay sa mga kalsada na lang muna kami nagte-training dahil wala talagang lugar ensayuhan,” sabi ni Jasul na nais lampasan ang huling pagwawagi noong 2011 SEA Games sa pagwawagi ng 2 ginto, 2 pilak at 4 tanso sa pinakahuling pagsasagawa ng track events sa cycling.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending