Joey kinuyog ng netizens dahil sa ‘pataba’ comment kay Miles

Joey de Leon kinuyog ng netizens dahil sa ‘pataba’ comment kay Miles Ocampo

Pauline del Rosario - May 04, 2024 - 10:36 AM

Joey de Leon kinuyog ng netizens dahil sa ‘pataba’ comment kay Miles Ocampo

Joey de Leon, Miles Ocampo

GIGIL mode ang maraming netizens kay Joey de Leon matapos kumalat sa social media ang isang clip na biniro niya ang co-host na si Miles Ocampo kaugnay sa kanyang katawan.

Mapapanood sa video na ito ‘yung araw na ipinagdiriwang sa noontime show na “Eat Bulaga” ang 27th birthday ni Miles.

Unang nagkomento ang dating senador na si Tito Sotto na ginamit ang segment na “Perapy, pataas o pababa” upang ilarawan ang edad ng aktres.

Ngunit biglang sumingit si Joey at biro niyang sinabi ang “pataba.”

Baka Bet Mo: Coco Martin nailang sa ‘rape scene’ nila ni Miles Ocampo sa ‘Batang Quiapo’: ‘Baby-baby ko kasi talaga siya’

As of this writing, isang araw pa lang mula nang inupload ang viral video at umaani na ito ng halos 900,000 views.

Sa comment section, maraming netizens ang tila nainis sa joke ni Joey at dinepensahan si Miles.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“Tumandang paurong ‘yung utak ni Joey. ‘Di ba niya alam dahil may sakit si Miles at ‘yung maintenance niya ‘yung nagpapataba sa kanya.”

“Did he say ‘Pataba’???? Wtf. Siya nga patanda ng patanda. Pati utak. Hay. Kala mo naman nuknukan siya ng gwapo!! Siya nga dapat pa-retire na.”

“Myles, layasan mo na ‘yan ‘di mo deserve ‘yan!”

“Bakit hindi na lang siya mag-retire? Sobrang cringey niya lately, lalo na sa Gimmie 5. Inaaway pa mga contestant. Juskoooo”

“Napaka insensitive, alam nang may sakit ‘yung tao”

“Ok lang ‘yan close naman sila ni Miles at ganyan talaga humirit mga matatanda.” 

“Ang alam ko Miles have PCOS, which I also have. kumain ka man o hindi, tataba at tataba ka. Kaya sa mga nagsasabi na lamon kami ng lamon, think twice kasi kahit hindi kami kumain nagge-gain kami ng weight. sana maging aware lahat about PCOS.”

Kung maaalala noong April last year, nag-open up si Miles tungkol sa kanyang papillary thyroid cancer na isa sa mga dahilan kung bakit nadagdagan ang kanyang timbang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Since late last year, I haven’t felt like my normal self. Waking up in the middle of the night because I can’t breathe, I get tired so easily, so frustrated with my weight gain, para akong palaging hapong-hapo and sinasakal,” saad niya sa isang Instagram post.

Mensahe pa nga niya riyan, “PS: With or without any health conditions, no to body shaming. Be kind. Always. Please.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending