Miles best supporting actress: Ganito pala feeling ng mga artista!

Miles sa best supporting actress award: Ganito pala feeling ng mga artista!

Ervin Santiago - December 28, 2023 - 01:32 PM

Miles sa best supporting actress award: Ganito pala feeling ng mga artista!

Miles Ocampo

HINDI rin umasa ang ang TV host-actress na si Miles Ocampo na makapag-uuwi siya ng award mula sa Metro Manila Film Festival 2023.

Kaya naman talagang shookt ang host ng “E.A.T.” nang siya ang tanghaling Best Actress in a Supporting Role para sa pelikulang “Family of Two” sa naganap na MMFF 2023 Gabi ng Parangal sa New Frontier Theater sa Cubao, Quezon City kagabi, December 27.

Sa katunayan, sumablay pa nga ang production ng awards night nang i-present na ang nasabing kategorya dahil hindi naisama sa listahan ng mga nominado ang pangalan ni Miles.

Agad naman itong itinama ng mga hosts ng awards night na sina Giselle Sanchez at Eisele Serrano at sa huli si Miles nga ang nagwaging Best Supporting Actress.

Tinalo niya sa laban sina Eugene Domingo (Becky and Badette), Gloria Diaz at Janella Salvador (Mallari), at Alessandra de Rossi (Firefly).

Ayon sa kanyang acceptance speech, sa tagal niya sa showbiz, ngayon lang siya nakatanggap ng award, “Hala! Six years old po ako nagsimula sa industriya, 27 na po ako next year, first time ko pong nakatanggap ng award.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes: Hindi ko po ide-deny na sinabi kong ‘sana ako rin ganu’n’

“Ganito po pala ang feeling ng mga artista,” ang sabi pa ni Miles.

“Sobrang pinag-isipan ko po kung tatanggapin ko itong project na ito. Alam ito ng team. Kakatapos ko lang po operahan, baka sabihin mukha akong nanay ni Alden,” sey pa niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Na-diagnose ang aktres ng Papillary Thyroid Carcinoma at sumailalim sa thyroidectomy surgery para alisin ang kanyang thyroid glands.

Baka Bet Mo: Elijah Canlas kay Miles Ocampo: My favorite person in the world!

Sa pagpapatuloy ng speech ni Miles, pinasalamatan niya  ang director ng “Family of Two” na si Nuel Crisostomo Naval at ang Cineko Productions.

“To Crown Artist Management, thank you much. Sa pamilya ko po. Pina-practice ko lang to dati, may award na tayo!

“Sa lahat ng hanggang ngayon naniniwala sa kaya ko, maraming-maraming salamat po,” mensahe pa ni Miles.

“Lord, ang dami po nangyari ngayong taon, pero thank you po. Thank you po sa lahat ng bumubo ng MMFF, marami pong salamat!” dagdag ng dalaga na dumaan din sa heratbreak matapos silang maghiwalay ni Elijah Canlas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Siyempre, tuwang-tuwa rin ang mga kasama niya sa pelikula lalo na sina Megastar Sharon Cuneta at Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending